Fifth
-*- Tres -*-
"Ganda ng ngiti natin ah. Kamusta?" Si Kiko. Nagka-sabay kaming pumasok sa room.
"I'm fine." Umupo ako sa pwesto ko at tumabi si Kiko sa gilid ko.
"Tres, may iba ka na bang gusto bukod kay Riyan?" Aniya at nag-salubong ang kilay ko.
Gusto? Sa pagkakaalam ko ay nag-sisimula pa lang akong gustuhin siya.
"What do you mean?" Tanong ko. Linapit niya ng konti yung upuan niya.
"Tres. Alam mo kasi, hindi mo siguro napapansin pero halata sayo na matagal mo ng gusto si Riyan. The way you describe her, wagas." Huminto siya saglit at nag-patuloy din. "Alam naman natin na hindi maganda ang nangyari. Pero curious ako kung sino ang dahilan ng pag-ngiti mo ng ganyan." Mas lumapit pa siya. "Sino na ba?"
Hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang sabihin. Pero isa lang ang malinaw.
"Siya lang naman ang nag-papangiti sakin ng ganito." Natahimik siya sa sagot ko na para bang hindi siya maka-paniwala.
"O-kay. I can see, malakas talaga tama mo sa kanya. Mukhang hindi ka pa nakaka-move on. But.." lumayo siya sakin at tumayo. "Believe me, Tres. You have to move on." Nag-tungo siya sa pwesto niya sa harap.
Move on to what?
~*°*~
Sabay kaming nag-tungo ni Kiko sa court. Agad naman kaming nakita ng iba niyang kaibigan.
"Bakit di ka sumali nung nakaraan?" Tanong ng kapatid ni Kiko na mas bata sa kanya.
"Busy." Tipid na sagot ko. Ngumiti siya at nag-apir kami.
"Ayos naman pala, busy ka ba saan?" Asar niya sakin.
"Tamana na yan! Game na!" Si Kiko at agad niyang pinasa sakin ang bola.
Tumakbo ako patungo sa 3 point line. Tatalon na sana ako kaya lang ay kusa akong napatigil nang mahagip ng mata ko si Riyan. She's alone.
Wala ba talaga siyang mga kaibigan at lagi na kang siyang mag-isa? Sa pagkaka-alam ko ay pala-kaibigan naman siya.
"Tres, wag kang tumunganga!" Boses ni Kiko at agad akong bumalik sa wisyo. Binato ko ang bola at sumakto ito sa butas ng ring.
"Angas pa rin natin ah. Nice game, Tres." Puri ni Kiko. "Nga pala, anong nangyari sayo kanina? Bakit parang natulala ka?" Pinaliit niya ang mata niya.
Napa-atras ako ng isang hakbang nang lumapit siya. "Ah, nakita ko kasi si--oh shit! Una na ko! Next time na lang ulit!" Paalam ko at agad akong lumabas ng court.
Umuulan. Nag-madali akong lumabas para hanapin si Riyan. Umuulan ngayon at baka wala siyang payong.
Linabas ako ang payong ko at nag-simula na kong hanapin siya.
Nang hindi ko siya makita sa school ay naisipan ko ng umuwi.
Baka naman naka-uwi na siya?
Hindi na ko gumamit ng payong at dire-diretso kong pumasok sa bahay.
Pag-pasok ko ay wala siya sa living room. Umakyat ako sa taas ngunit wala rin siya.
At nang bumaba ako at nag-tungo sa Kitchen..
"Oh? Anong nangyari sayo?" Nagulat siya sa pag-sulpot ko.
Nawala ang pag-aalala sa sistema ko. Nginitian ko siya. "Akala ko nasa school ka pa. Hinanap kita, kasi akala ko wala kang payong. But it's fine, you're already here."
Nakita ko ang guilt sa mata niya. "Mag-palit ka na. Ayokong magka-sakit ka dahil sa pag-hahanap mo sakin." Utos niya. "Tres, wag mo nang uulitin yan. Mas unahin mong isipin ang sarili mo kaysa sakin o sa ibang bagay." Hindi nanaman siya naka-tingin sakin.
"I don't think I can do that, Riyan. When it comes to you, all I can do is to think about you first, morethan myself." Tinalikuran ko siya at umakyat na sa kwarto ko.
Do I like her already? O totoo yung sinabi ni Kiko na matagal ko nang gusto si Riyan.
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...