Sixteenth
-*- Riyan -*-
"Sigurado ka na bang sasama ka sakin sa araw na yon?" Panimula ni Kyle.
Nandito siya ngayon sa bahay. Nasa garden kami.
Si Tres naman ay tulog pa.
Sana lang ay mamaya na siya magising.
"Sigurado ako, Kyle." Ngumiti ako ng malungkot. "Wala naman akong magagawa. Iiwan ko din naman siya." Huminga ako nang malalim para mapigilan ko ang luhang nag-babadyang tumulo.
"Buti alam mo. Malinaw yang sinabi mo, Riyan. Mag-hihintay na lang ako na dumating ang araw na yon." Ngumiti siya at hindi ko yon nagustuhan.
Bakit ba parang masaya siya na iwanan ko si Tres? Siya ba? Wala ba siyang pamilya?
Dahil sa sobrang pag-tatakha ay hindi ko napigilang mag-tanong."Kyle, bakit ang dali para sayo na umalis? Wala ka bang pamilya?" Kunot noong tanong ko.
Nakita ko kung pano mabilis na nag-salubong ang kilay niya. "Meron akong pamilya." Madiing aniya.
Bakit? Galit ba siya sa pamilya niya? Bakit ganyan siya?
"Nasaan sila? Bakit hindi mo sila puntahan?" Bumaling ako sa direksyon niya at ang itsura niya ay parang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa pamilya niya.
"Ayoko. Dahil natatakot ako na baka matulad ako sayo.." sarkastikong sabi niya at saktong tumingin siya sa gawi ko.
May galit sa mata niya pero lumalamang ang lungkot.
"Anong ibig mong sabihin?" Inis na tanong ko.
Huminga siya ng malalim. "Natatakot akong magaya sayo at baka hindi na rin ako umalis." Hinawakan niya ang kamay ko. "Mag-kaiba tayo, Riyan. At ibig sabihin non ay hindi tayo pareho ng nararamdaman."
Na-blangko ako dun. Totoo naman yung sinabi niya pero bakit ganon? Hindi niya ba mahal yung pamilya niya?
Hindi kami pareho. Kasi siya si Kyle at ako si Riyan.
"Kung iniisip mong hindi ko mahal ang pamilya ko, you're wrong. I love them so much. Pero Riyan, hindi kasi tayo pareho ng pananaw. Malaki ang pagkaka-iba natin." Tinignan niya ko. "Riyan, hindi mo ko maiintindihan."
Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkaka-hawak niya.
"Oo. Hindi talaga kita maiintindihan, Kyle. Kahit kailan ay hindi talaga." Umatras ako ng bahagya. "Alam mo ba kung bakit?" Agad naman siyang umiling.
Napa-ngiti ako ng mapait. "Kasi hindi mo pinapaintindi sakin at kahit isa ay wala kang sinasabi sakin. Now tell me, pano kita maiintindihan kung ganyan ka?"
Hindi ko namalayang tumaas na ang boses ko. Ngayon lang nangyari 'to samin ni Kyle. Ngayon ang at hindi ko gusto 'to.
Tumayo siya at nawala ang inis sa mukha niya. Napalitan yon ng sobrang malungkot na ekpresyon.
Sa ikalawang beses. Nakita kong tumulo ang luha mula sa mata niya.
Nakokonsensya ko.
"Alam mo ba kung bakit hindi ko magawang ipaintindi sayo?" Ngumisi siya. "Kasi kahit na malaman mo pa--siya pa rin. Siya pa rin, at kahit kailan ay hindi magiging ako."
Ano bang sinasabi niya?
Hindi ko nga pala siya maiintindihan. Kahit kailan ay hindi.
"Ano bang meron kay Tres?" Naramdaman ko ang pag-kunot ng noo ko.
Ngumisi ang ulit siya at tingin sakin na para bang hinahamon niya ko sa isang bagay.
"Gusto mong malaman?" Sarkastikong tanong niya na mas kina-inis ko lalo.
Hindi ko siya sinagot pero alam kong alam na niya ang sagot ko sa tanong niya.
I want to know. Everything.
"Bakit hindi mo alamin? Nasa paligid mo lang ang sagot, Riyan." At gaya ng dati ay tinalikuran niya ako. "At kapag nalaman mo na ay paniguradong hindi ka matutuwa."
Iniwan niya ko.
Papahirapan mo ko, Kyle?
Bakit pa? Hirap na hirap na nga ko, dadagdag ka pa.
Ginusto ko 'to. Then let's see. Hahanapin ko ang sagot sa lahat ng tanong ko. Malalaman ko lahat, Kyle.
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...