Twenty-Ninth
-*- Riyan -*-
Pagka-tapos kong mabasa ang listahan ni Tres ay nag-tungo ako sa kwarto ko.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali.
Ilang oras ang lumipas at gabi na. Hindi pa rin bumabalik si Tres.
Naalala ko ang sumunod niyang gagawin. "Puntahan si Kuya."
Baka ganoon na nga. Siguro ay pupuntahan na niya ang kapatid niya. Pero bakit ang tagal naman ata?
Malayo ba ang kapatid niya sa kanya?
O baka naman sinulit lang nila ang pagkaka-taong 'to para magka-sama sila.
Kakabalik ko lang sa kwarto ko.
Sa t'wing napapadaan talaga ako sa kwarto ni Tres ay parang may kung ano sakin na gustong pumasok sa loob.
Parang may kailangan akong makita don na pwedeng maging sagot. Parang may kailangan akong malaman na doon ko lang makikita sa loob ng kwarto niya.Hindi pwede. Wala namang kinalaman si Tres--pero posible pa rin.
Lumabas ako sa kwarto ko at tumapat sa pinto ng kwarto ni Tres.
Tinitigan ko nang matagal ang pinto.
Ano ba, Riyan? Papasok ka ba o hindi?
Ano bang mapapala ko kung papasok ako sa loob?
Sigurado bang may makukuha akong sagot?
Pano kung meron?
Pano naman kung wala?
Eh bakit kasi si Tres pa?
Ano bang meron sa kaniya?
Anong klaseng sagot ba ang makukuha ko kung sakali?
Nag-buntong hininga ko. Ang kong tanong. At wala nang ibang makaka-sagot non kundi ako.
Humakbang ako palapit sa pinto pero hindi na ko tuluyang nakalapit nang marinig kong bumukas ang pinto sa baba.
Nandyan na si Tres?
Nag-madali akong bumaba at tama nga ako. Nandito na siya.
Medyo nagulat pa siya nang makita akong bumaba.
"Nandito ka na pala." Sabay naming sabi at natawa na lang ako. Pero siya hindi pa rin nag-babago ang ekspresyon sa mukha niya.
Nanumbalik muli sa sistema ko ang takot. Bakit?
"S-sorry, Tres. Alam kong ang kapal ng mukha kong bumalik dito pagka--" naputol ang sinasabi ko nang bigla niya kong yakapin.
At tanging isang tanong nanaman ang lumitaw sa isip ko.
Pano niya nagagawa 'to, akala ko ay hindi na mauulit?
"Akala ko umalis ka na. Akala ko iniwan mo na ko. Alam mo bang sa t'wing wala ka dito sa bahay ay hindi na ko mapakali. Gusto kitang hanapin pero hindi ko naman alam kung nasaan ka. Gusto kong itanong kung saan ka nanggaling kaso sino ba ko para mag-tanong?" Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.
Akala ko umalis ka na. Akala ko iniwan mo na ko.
Bakit Tres? Pinapahirapan mo pa ko lalo. Hindi ko na alam kung ano bang tama. Masyado nang magulo.
"Riyan, please.." narinig ko ang pag-singhot niya. Umiiyak siya. "Wag mo kong iiwan. Wag kang aalis nang hindi ko alam. Please.."
Tumulo ang luha mula sa mata ko.
Hindi pwede, Tres. Kasi kahit na bali-baliktarin pa natin ang lahat--iiwan at iiwan pa rin kita.
Pero pwede bang gawin ko yung gusto ko? Bago ako umalis?
Sorry, Tres. Pasensya ka na, masasaktan pa kita.
Sana pala sa simula pa lang ay pinakinggan ko na si Kyle. Sana ay hindi na ko bumalik dito.
~*•*~
A/N: ang daming tanong haha hindi ko na rin alam yung mga sagot. Si Riyan kasi ee tanong ng tanong. Konti na lang guyseu!
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...