ARIS POV
I watched them get into the bridal car. I even saw them kissed again when they got inside.
Ang sakit...ang sakit-sakit!
But it was the price I have to pay just to see my Andz happy... in somebody else's arms.
The biggest consolation I have to cheer myself up. Masaya na si Andz ko....finally!
"Do you really have to do this?" It was Erol.
My friends and I met at a bar that night after I went to Schulz's office to give him the invitation card samples.
Tumango ako, "After what you told us, and what I've been seeing with Andz...yes. They both deserve it."
"Kailangan bang ikaw pa talaga ang maghatid sa kanya kay Reid?" Si Jeff.
Ikinuwento na sa amin nang buo ni Erol ang nalalaman nya tungkol kay Bong, Schulz at Andz.
Hindi kami makapaniwala.
Gusto kong manliit. The asshole was torn between protecting Andz and his family, and keeping the promise to his brother.
And I was there, trying to keep them apart.
I had no choice but to tell them about Kelly's attempts to make me as an accomplice.
"Oo, Jeff. Kailangan ako. That's the only way I can atone for what I've done ... kay Andz for many years na pinapasan ko sa kanya yung sama ng loob at sakit na dala nang kaduwagan ko noon. At kay Schulz. Kung hindi ko in-entertain si Kelly, hindi siguro aabot sa ganoon. Kulang pa yung dugo na ibinigay ko sa kanya. Dahil ako dapat ang tatamaan ng bala kung hindi nya ako tinulak."
Huminga ako nang malalim, "Iniisip ko that time, it was a chance to grab. Kung mamamatay si Schulz, sa akin na mapupunta si Andz...pero, hindi pa rin. The way I saw her go into hysterics...hindi na talaga ako. Yung pagmamakaawa nya na wag kong sasaktan si Schulz...yung paghingi nya nang tulong para sa asshole na yun...yung isasakripisyo nya ang kaligayahan nya mabuhay lang si ..."
Napasabunot ako sa buhok ko. Umiyak ako sa harap nang mga kaibigan ko. Tinapik nila ako sa balikat.
"Ang sakit pala, 'tol. Ganito rin siguro ang naramdaman ni Andz nung panahon na nawala ako dala-dala nya ang lahat ng problema dahil sa insidenteng yun. Wala akong masisi kasi patay na ang putangnang Bong na yun. Kung hindi ako nagpabaya, hindi rin magkakaroon nang ganung pagkakataon ang hayup na yun!"
"So, anong plano? May maitutulong ba kami?" Si Mike nung kumalma na ako.
"Just... don't give Andz a hint. 'Rol, pakisabihan na rin si Sarah. Ako na kakausap kay Juno at Ninong Art."
"Kaya mo bang ihatid si Andie kay Reid? Baka naman itakbo mo sya palabas ng simbahan?" Si Jeff.
"Hindi ko na gagawin yun. Tama na yung panahon na umiiyak si Andz. Ako rin ang nasasaktan sa nakikita ko. I'm not doing this just for them...but also for me. 'Tol, favor lang. I only have two weeks with her. Don't interfere when I walk her on the aisle. The aisle is mine. That's my last with her."
And they did. They cooperated. Same with Juno, Sarah, Sam and Rika.
Sumakay na ako sa kotse ko. Kumaway sa akin ang mga kaibigan namin. Alam nilang hindi na ako makakapunta sa reception. Uuwi pa ako sa condo to pack my bags. Yung dapat na honeymoon vacation namin ni Andz na two weeks, I told Mike that I will extend it to a month.
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
General Fiction"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...