The initial plan for the out of town swimming was to go to Cagayan de Oro. Sa resort doon nina Schulz. Pero dahil may bagyo sa parteng iyon ng bansa, nagkaroon ng pagbabago sa plano kaninang hapon.
"We can't go to Davao Schulz Resort, either. It may be risky dahil malapit lang sa bagyo. Sa Cebu sana pero fully booked ngayon sa resort. May ilang summer conferences at company outing na naka-book," si Andz. "Pati sa Schulz Bohol."
Tahimik lang si Madel. We were both surprised as well. We were having dinner at that time.
"Sarah rebooked all our flights to Palawan without checking out our other resorts sa north and without informing us. Dun na lang daw sa tayo sa Schulz Hotel and Resorts El Nido," medyo apologetic na paliwanag si Schulz.
I do not know if Madel told them about what happened about us sa inauguration ng hotel na iyun, kaya parang nagpapaliwanag ang dalawa.
I cleared my throat, "Madel, ok lang ba?"
"Uhm, o-oo naman," sagot nya.
But I know. I can see it in her eyes, she's not comfortable going back there yet. Kahit ako yata.
Though nakabalik na ako doon ng apat na beses after maikasal sina Andz, thing was, hindi ko naman alam...or rather, hindi ko naman naalala pa that time.
Iba ang sitwasyon ngayon. Medyo awkward. Mali. Parang nararamdadaman ko na naman yung guilt feeling.
"Are you sure?" paninigurado ni Andz.
Now, I'm positive. May alam ang mag-asawa.
"Oo, ate. Excited nang mag-beach ang mga bata," sagot nito.
"That's settled then," singit ni Juno.
Dito ito matutulog dahil maaga ang alis namin bukas. Dala na rin nya ang bagahe nya para sa three days two nights stay namin.
We retired early. Kahapon pa naman nakahanda ang mga dadalhin namin.
"Madel," tawag ko dito.
Kanina pa tulog si Emma. At kanina pa rin kami nagpapakiramdaman.
Kahit nakapikit si Madel, alam naming pareho na gising kaming dalawa.
"Hhmmm..."
"Kung di ka kumportable, wag na lang tayong sumama bukas."
Dumilat ito. Magkaharap kami sa pagkakahiga, nasa gitna namin si Emma na nakayakap sa akin.
Saglit na nagkatitigan kami tapos pinalibot nya ang mata sa buong mukha ako. Hindi ko alam pero bumilis ng bahagya ang tibok ng puso ko lalo na nung ngumiti ito ng matipid.
"Ayos lang ako. Si Emma ang importante. First time nyang makapag-beach."
Saglit kaming natahimik. Then, she cleared her throat.
"Ikaw, ayos lang ba sa iyo na babalik tayo dun?" mahinang nyang tanong.
Hindi agad ako nakasagot. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumihaya. Tapos huminga ako ng malalim.
"Ewan ko. But one thing is certain. Nagi-guilty ako. Naiisip ko pa lang..."
Sinapo ni Madel ng isang palad ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya uli.
"Wag, Aris," may kasamang pait ang ngiti nya.
"Kasi...hindi ako nagsisisi sa nangyari," gumaralgal ang boses ni Madel. "Dahil kay Emma. Kung hindi dahil dun, walang Emma. Sya na lang ang nag-iisang meron ako."
Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay nyang nasa pisngi ko.
"Hey, don't cry," then I reached out to her face to wipe that single tear she was trying to hold but failed. "Andito naman ako. Hindi ko kayo pababayaan. It's my duty to look after you two."
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
General Fiction"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...