17 Bàba

1K 50 8
                                    


Umagang-umaga kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag galing sa project ko sa Zamboanga. Galing iyun sa foreman namin.

"Engineer, kailangan namin kayo dito."

Saglit kong tiningnan ang oras. Wala pang five ng umaga!

"Si Engr. Laput, kritikal po sa ospital. Nilooban kagabi sa apartment nya. Ilang saksak ang inabot, sir."

Napabalikwas ako ng bangon. Si Engr. Laput ang assistant head engineer ko doon. Once a week lang ako pumunta sa Zamboanga para tingnan kung ayos lang ang gawa nila. Magaling si Laput. Mapagkakatiwalaan na gumawa mag-isa. Malapit na nga itong ma-promote as head engineer namin. Kaya nga hindi ako masyadong nag-aalala.

"Nahuli ba yung magnanakaw?" sabi ko na lumabas sandali sa veranda ng kuwarto. Baka magising si Madel at si Emma.

"Hindi, sir. Yung nanay sa katabing apartment ang nakadiskubre kasi bukas yung pinto ng apartment nya nung mamamalengke. Wala pa hong isang oras. Hindi rin alam kung ilan yung nanloob. Pulis lang ang tumawag sa 'kin. Papunta na 'ko sa ospital. "

"Shit! Sige, sige. Itatawag ko na rin ke Engr. Montecillo," tinapos ko na yung tawag then lumipat sa kuwarto ko sa dulong hallway.

I quickly took a shower. Nagbihis na lang ako ng khaki pants at dark blue na polo. Habang nagsasapatos, nagdesisyon akong dumaan na lang uli sa condo ko para kumuha ng ilang pirasong damit na dadalhin ko sa Zamboanga. Wala na akong panahon para bumili pa ng damit ko doon ganitong may problema.

Bumalik ako sa kuwarto nina Madel at marahan ko itong ginising. Mabilis naman syang nagising.

"Kailangan kong umalis ng maaga. Baka ilang araw akong hindi makauwi," mahina kong sabi.

Hindi ito nagsalita pero halata sa mukha nya ang pagtatanong kaya sinabi ko.

"May emergency sa project ko sa Zamboanga. Hindi ko sigurado kung makakauwi agad ako. Hahanap pa ako ng kapalit nung engineer."

"Ah, sige. Ano, may maitutulong ba 'ko?" alanganin nyang sabi.

Gusto kong matawa sa tanong nya. Unless she's an engineer, well...

"Just stay here in the villa. Wag kayong basta aalis ng hindi ko alam or nung mag-asawa. Keep your line open. Tatawag ako every now and then. Let me know if something comes up, ok?"

"Uhm, s-sige."

Lumuhod ako sa tabi ng kama. Hinaplos ko ang pisngi ni Emma na natutulog pa.

"Uuwi agad si Papa, baby," bulong ko then kissed her on the temple.

Hinatid ako ni Madel hanggang pinto. May inabot ako sa kanyang atm card.

"Gamitin mo. Para sa inyo yan ni Emma. May check up sya sa psychologist on Tuesday, di ba?"

"Oo. Pero wag na. Meron nama—"

"Madel," nauumpisahan kong mainis. "Obligasyon ko kayo. So please. No buts."

Napakagat ito sa labi tapos yumuko. Inilagay ko sa palad nya yung atm card. Then I raised her chin so she can look at me.

"Matulog ka muna uli. Masyado pang maaga. It's just past five in the morning," sabi ko.

Tumango ito.

Saglit ko itong kinabig for a quick hug and a kiss on her forehead.

"Alis na 'ko," tumalikod na ako para itago ang pigil kong ngiti.

Natatawa kasi ako, tuwing nakikita ko ang paninigas ng leeg nito at pamumula ng mukha tuwing lalapit ako sa kanya. Parang teenager na nilalapitan ng crush nya.

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon