10 Hate

793 45 7
                                    

Aris' POV

Asar na asar akong lumabas sa hospital room ni Andz at dumiretso sa may mini-chapel. Naaasar ako dahil sa maraming bagay mula pa kaninang nasa resort kami.

Una, kay Andz. Iyung pagtakbo nya pabalik sa cottage pagdating nung mga naghahanap sa Anton na yun. Naiintindihan ko ang intensyon nya at malaki ang pasasalamat ko para doon, lalo na nung mailabas nya si Emma. Pero, wala akong nagawa nung magkaroon na nang palitan ng putukan. Pakiramdam ko, napakawalang-kwenta kong tao. Hindi ko kasi mabitawan si Emma. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan nito sa gitna ng ingay na iyon.

Nakahinga lang ako nang maluwag nung makita kong sumunod na si Schulz kay Andz at may hawak itong baril, kasama ang dalawa pang bodyguards ng pamilya nila. Pero agad ding iyung napalitan ng panibagong takot matapos naming makarinig ng putukan galing sa cottage at lumabas si Schulz na karga si Andz na walang-malay.



"Anong nangyari?" si Rob.

Schulz face was pale with bloodshot eyes. Nagpipigil ito sa pag-iyak.

"Get me a fucking car!" Sigaw nito. "Dadalhin ko si Drew sa ospital!"

Mabilis na gumala ang mata ko sa katawan ni Andz. Walang dugo. Napabuga ako ng hangin sa bibig, yakap ng mahigpit si Emma.

"Reid, calm down," sabi ni Rob. "There's no blood. She's wearing a vest."

"How can I fucking calm down?! Walang malay ang asawa ko!"

"She just passed out. Ihiga mo lang muna sya sa van. We don't know what's waiting for you outside. One of my men is checking out the area. Paparating na rin ang mga pulis at ambulansya," kalmadong sagot ni Agoncillo.

Nawala ang atensyon sa amin ni Rob. Inangat nito ang braso at may kinausap ito sandali gamit ang bodyguard earpiece nya.

Base sa mga sinabi nito, napatay na rin ng team nya ang isa sa mga namaril.

"Sir," yung isang agent ni Rob. "Mr. Schulz got Target 1 down . Nagpaiwan pa sa loob si Lance to assess the area and the situation."

"Rob, balikan nyo si Madel at si Anton. Naiwan sila sa loob. Anton was shot, too." sabi ni Reid mula sa loob ng van, kalong pa rin si Andz.

Napakunot ang noo ko. Kaya ba naiwan sa loob si Madel? Akala ko ba sinasaktan sya ng lalaking yun? Di ko maiwasang mapatiim ang bagang.

"Ma-m-ma..."

"Hey..." tinapik-tapik ko si Emma sa likod. At hinimas sa ulo.

"Dito lang si Papa," bulong ko sa kanya.

Parang di ko kayang isipin na dinanas ng anak ko ang ganitong klaseng karahasan sa murang edad. Kailangang makapag-usap kami ni Madel.

Shit! Bakit di nya sinabi sa akin? At paano ba ang nangyari talaga?

Pero nawalan ako ng pagkakataon. Nakaagaw pa kasi sa oras namin ang pagsaway sa mga guests ng resort na gustong mag-usyoso sa mga nangyari.

Tapos pagdating ng ambulansya at mga pulis, inilabas sa cottage si Anton na naka-stretcher. Wala na itong malay at mabilis na inasikaso ng medic sa ambulansya. Kasunod si Madel na tulala at basa ng luha ang mukha. May dugo sa damit at kamay nito.

Pilit kong isiniksik ang mukha ni Emma sa leeg ko para di makita si Madel dahil baka matakot ang bata sa dugo.

"M-madel..." mahina kong tawag dito. "Are you hurt?"

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon