21 Hands

966 51 5
                                    



Aris' POV

Gusto kong manapak ng makita ko ang bunton ng bulaklak sa katabing upuan ni Madel na nasa pagitan nila ng gagong Anton na ito.

Wala naman akong planong umuwi ng maaga ngayon. May meeting kami dapat ni Mike at Jeff para sa isang project namin sa SchulzAS.

Refurbishing lang naman iyun ng isang bahagi ng hotel ni Schulz kaya iniwan ko na sa dalawa.

Bigla lang kasi umangat lahat ng asar sa ulo ko nung tumawag ako kay Asshole tungkol sa project na iyun.



"Yes, yun ang unang agenda ng meeting ko mamya with Mike and Jeff. Kaya naman iyang isingit sa sched namin," sabi ko.

"Good. Thanks, Douche!"

"Paimportante ka kasing asshole ka eh. Gusto mo priority ka lagi," birong sikmat ko dito.

Tumawa lang ito, "Fuck off, Douche. Inuuna ko rin kayo. Anyway, I want to return the favor. Domingo called me."

Kumunot agad ang noo ko.

"Ikaw naman pala tinawagan. Paki ko," I snorted.

"Well... he asked permission from me to go to the villa and visit—"

"Kailan?!"

"This morning and I said yes. I gave him the villa's address."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Uminit agad ang ulo ko.

"I thought you're not interested?" I can hint sarcasm with amusement in his tone.

"Gago!"

Tumawa ito, "Ayan, sinabi ko—"

Binabaan ko ng telepono ang tarantado!

Tumawag agad ako sa cp ni Madel. Pero unattended ang phone nya.

Tinawagan ko si Andz but she was not picking up.

May umahong kaba sa dibdib ko.

Tang ina! Baka tinopak ang hayup na iyun at naghasik ng kagaguhan sa villa.

Gagong Schulz kasi. Bakit nya pinayagan?

Tumawag ako sa landline ng villa. May sumagot nun. Si Tala, yung bago lang na katulong.

"Ay, Sir Aris. Kayo pala!"

"Ano, may dumating bang—"

"Oo, Sir. Kausap ni Ma'm Andie yung Anton," medyo pabulong na sabi. "Pinapatawag nga sa akin ni Ma'm Andie si Madel sa—"

Di ko na hinintay ang iba pa nitong sasabihin. I cut the call and hurried outside my office.

Nagbilin lang ako saglit sa secretary ko, "May meeting kami mamya nina Mike. Tell them something urgent came up. Sit in for me and take down the minutes of the meeting."

"Boss, may appointment ka ng –"

"Cancel it!"

Tumalikod ako.

Nagmamadali akong umuwi sa villa. On the way, tinawagan ko uli si Madel. Unattended pa rin.

Tang ina talaga!

Naalala ko na naman yung minsang di sinabi sa akin ni Madel na nagkausap sila nung Anton na iyon.

Kung hindi ko pa nasalubong papuntang dining si Tala at tanungin ako.

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon