34 Sanktuwaryo

751 56 20
                                    


Pambawi sa limang araw na gap from last UD.

Almost 4,800 words UD. As usual, wag umasa na may edit ganitong bumabalik na naman ako sa sakit kong mahahabang chapters!

===============

Di ko napigilan ang pagkawala nang malalim na paghinga.

Ang reaksyon kong yun malamang ang nagbigay nang lakas ng loob kay Aris para mas maging mapangahas.

Kung saan-saan na sya humahawak at pumipisil sa akin.

Napapapikit na lang ako nang mariin, kagat ang labi ko.

Hanggang ihiga nya ako mula sa pagkakatalikod ko sakanya, tapos pumatong sa akin.

"I know you're awake. Open your eyes, tart," ang bulong.

Dumilat ako. Nakatingin sya nang direkta sa mata ko.

"I'm sorry na," sabi nya uli.

Napaiwas ako ng tingin. Pinaalala na naman nya kung bakit ayaw ko syang kausapin.

Bumaba ang mukha nya para halikan ako sa labi.

Hindi ako gumanti pabalik, although, hindi ko rin sya itinulak palayo. Basta hinayaan ko lang sya.

Kasi nga, nagtatalo ang loob ko.

Kalahati ang nagsasabi na kausapin ko na sya at makipagbati na. Ang kalahati, nagdaramdam pa.

Nung humingi sya nang tawad sa impresyon na binigay nya sa akin tungkol kay Emma, ayos nasa akin yun. Ramdam ko naman ang sinseridad nya tungkol dun at pati ang pagmamahal nya sa anak namin.

Iba ang hinihintay ko. Yung magso-sorry sya nang specific sa sinabi nyang wala akong karapatang umarte na asawa nya at ang magtanong sa mga ginagawa nya ... kahit yun ang totoo.

Ang akin lang, kahit di nya bawiin ang sinabi nya, kasing ayun naman ang pakiramdam nya. Pero, yung marinig ko lang na nagso-sorry sya sa sakit na idinulot ng mga salitang binitawan nya sa akin, yun lang.

Bumaba ang halikni Aris sa leeg ko, habang yung kamay nya, busy sa pagbukas ng mga butones ng pajama top ko.

Nakuyom ko nang mahigpit ang mga palad ko para di ko maiyakap ang braso ko sa leeg nya.

Kinagat ko nang mariin ang labi ko sabay sa paghinga ng malalim uli nung maramdaman kong nakakulong na sa mainit nyang bibig ang isang korona ng dibdibko, lalo na nung salitan nyang gawin yun.

At napapikit na ako kasabay nang pagtakip nang isang palad sa bibig ko nung ipasok nya ang kamay sa pajama bottom ko para kapain ako 'doon '.

Yet, hindi ako yumayakap sa kanya gaya dati.

Kahit nung bumaba ang halik nya sa tyan at puson ko, hindi ako tumutugon sa ginagawa nya.

Napadilat ako dahil huminto sya sa paghalik, hawak ang garter ng pajama ko.

Nagpakawala sya ng mabigat ng hininga at itinukod na lang ang noo sa puson ko.

Parang bigla akong na-guilty, yet di ako gumalaw. Tapos pumantay sya ng mukha sa akin.

Humalik uli ng malalim sa labi, tapos tumigil din nung di ako tumutugon.

Tinitigan nya ako. Hindi ko maintindihan ang damdaming nakapaloob sa mga mata nya. Basta ang alam ko, hindi sya natutuwa o masaya sa nangyayari ngayon. Sa hindi ko pagtugon na taliwas sa dati.

Walang imik syang umalis sa ibabaw ko at pumasok sa banyo.

Inaasahan kong magtatagal sya doon para sariling tapusin ang sinimulan nya, pero nagkamali ako.

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon