Aris POV
Ilang araw na mula nung makita ni Andz at Schulz si Madel. Sa loob ng panahon na iyon, di ko na nakausap si Andz ng maayos. Kung di lang may ganitong sitwasyon, iisipin kong buntis ito at ako ang pinaglilihian.
Pumunta nga ako doon tanghali ng mid-week, para makipag-usap sa kanya tungkol sa paghahanap kay Madel. Pero di pa rin ako kinausap ng ayos.
"Wag ka pupunta dito kung wala yung mag-ina mo!"
"Andz naman! Pareho lang naman tayo na si Agoncillo ang agency. Kung ano alam mo, yun rin ang alam ko," angal ko.
"So, ganun lang gagawin mo? Maghihintay ka lang ng balita galing kay Rob?" Nanlaki na ang mata nito sa inis.
"Napakamot ako sa ulo, "Eh kasi... alam mo namang may mga project kami..."
"Sasabihin ko kay Reid na wag kayong bigyan ng project! Tutal sagabal yan sa paghahanap mo sa pamilya mo."
"Maka-pamilya ka naman, Andz ko. Parang siguradung-sigurado ka na," reklamo ko.
"Sigurado ako, Aristotle!"
Sabay umakyat sa second floor nila. Napakamot na lang ako sa ulo. Bumalik na lang ako sa office. Wala naman kasi si Hope at nasa school pa. Yung kambal, natutulog.
Pero on my way back to the office, I received a call from Agoncillo. It was an update regarding Madel's case.
"Where are you?"
"I'm driving pabalik sa office. Why?"
Tumahimik ito sandali, "I'll just email this to you. Open it as soon as you get to your office."
Nawala agad ito sa linya.
Kalalabas ko pa lang ng elevator papunta sa opisina ko nung makatanggap ako ng tawag kay Schulz. Badtrip ito. At nag-aalala.
Badtrip sa akin at kay Agoncillo. Nag-aalala kay Andz at kay Madel.
"Douche, I don't want my wife getting all stressed out because of this. Ikaw ang primerang dapat naghahanap sa kanila! Gago ito si Rob eh! Tang-ina naman oh! Pwede bang tayo na lang ang umayos nito?"
"Sandali, wala akong mainitindihan sa sinasabi mo eh," asar ding sabi ko.
"Tumawag si Drew. Umiiyak dahil dun sa huling report sa kaso ni Madel. Sabi ni Rob, nag-email na sya sa 'yo?"
"Oo, pero di ko pa nababasa. Kakarating ko lang sa office. Tawagan kita as soon as I read it."
"Basahin mo agad!"
Nawala agad ito sa linya. Badtrip talaga! Akala mo kung sinong makautos eh.
Tss. Basta talaga kay Andz, umiikot ang puwet ng gago.
Hindi ko na halos naibalik ang pagbati ng secretary ko. I opened my email immediately and found Agoncillo's email with subject 'Urgent'.
Parang nanlaki ang ulo ko sa nabasa.
Nasa listahan ng missing persons ang mag-ina. May police report doon na tinangay ito ng kapitbahay na pulis. Pulis na pinaghahanap din ng batas dahil sa kaso ng droga at pagpatay sa asawang buntis.
May picture doon yung Antonio at Roselyn Domingo. Naroon din ang picture ni Madel. Pero yung sa bata, medyo malabo at malayo. Iyon din ang picture na nakita ko sa wallet ni Madel nung ipakita sa akin ni Schulz.
Hindi napursige ang paghahanap sa tatlo. Parang isang buwan lang ang huling update sa kaso at sinasabing 'suspects with hostages still at large'.
May isang scanned copy doon ng birth certificate.
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
General Fiction"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...