14 Parcel

1K 50 7
                                    


Si Madel ang unang nakakita sa 'kin.

Saglit na naglaban kami ng tingin.

I gave her an accusing look, but her eyes showed defiance.

Napansin iyon ni Andz at mga 'bisita' nila.

"Oh, 'Ris, andyan ka na pala," sabi nito.

"Anak..."

Hindi ko pinansin ang tawag ni Mommy.

Lumapit ako kay Andz and kissed her on the forehead. She kissed me on the cheek.

Nakita ko ang paglamlam ng mga mata ni Madel tapos nag-iwas ito ng tingin.

At narinig ko ang mahinang pagsinghap ni A-chi. 

Inaasahan ko na rin ang reaksyon nya pero di ko pinansin. Hindi nito alam na ganito pa rin ako ka-close kay Andz at sa pamilya nito kahit hindi kami ang nagkatuluyan. Iba ang iniisip nito because I never reconciled with them.

I walked infront of Madel. I'm not that insensitive. Also, I want to show my mom and A-chi na maayos ako sa mag-ina ko.

"Hey," bati ko kay Madel.

Tumingala sya sa akin mula sa pagkakaupo sa two-seater couch. I bent over scooping the back of her head and gave her a light peck on the lips. I held my breath as an electric feel ran into my veins from that split-second touch of our lips.

Hindi ako nagpahalata.

Naramdaman ko na bahagya rin itong nanigas. Napakurap pa nga sa akin ng dalawang beses. Ngumiti ako sa kanya ng tipid tapos naupo sa tabi nya, putting one arm sa sandalan ng inuupuan namin.

"Nasa'n ang mga bata?" kaswal kong tanong kay Andz.

Nagpipigil ito ng ngiti. I almost rolled my eyes.

"Sa attic. Naglalaro. Kinuha ni Madel si Emma dun kasi dumating Mommy mo."

"Si Schulz?"

"Paparating na yun. Sasakalin ko sya pag di umabot ng dinner. Alam nyang may bisita tayo," sagot ni Andz pero pinanlalakihan ako ng mata.

Alam ko ang ibig nyang sabihin.

Pansinin ko si Mommy at si A-chi.

Gusto kong irapan si Andz sa gusto nyang mangyari kung di lang ako magmumukhang bakla.

"Emma, baby, halika," tawag ko.

Tila nagpaalam pa ito ng tingin sa ina. In my peripheral, nakita kong tumango si Madel.

Tsaka lang bumaba si Emma sa kandungan ni Mommy papunta sa akin, yakap-yakap si Miming, yung pusang stuffed toy nya.

I gave her a peck on the head tapos ako na ang kumalong sa kanya.

Yeah, we look like a happy family sa puwesto namin ngayon sa two-seater couch.

I saw envy in my sister's eyes, and my mom, I'm not sure. Maybe, mixed longing and happiness.

"I che-check ko lang yung dinner. Excuse," paalam ni Andz. She left us without waiting for our answer.

"Kamukhang-kamukha mo sya, Aris," sabi ni Mommy na may tipid na ngiti.

Hindi ako nagkomento.

She cleared her throat, "Son, how are you?"

"I'm fine. My family is doing good," maikli kong sagot.

"Aris," singit ni A-chi. "Bakit dito kayo nakatira ng pamilya mo? You have your own house, right?"

Then I relaized, hindi nagkuwento si Andz. Kahit si Madel.

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon