Andie's POV
Takut na takot ako pagpasok ko sa cottage room, lalo na nung si Anton ang una kong nabungaran at ang mailap nyang mata.
Bahagya pa itong napatingin sa suot kong bullet proof vest at bahagyang napangisi.
"Hindi ka mapoprotektahan nyan kung sa ulo ka tatamaan ng bala," ang sabi.
Hindi ako kumibo.
Kinapkapan nya ako. Tama nga si Rob.
"Nasaan ang mag-ina?" tanong ko.
Itinuro nya lang ang kuwarto. Medyo nabawasan ang kaba ko nung hindi sya sumama. Nagpaiwan ito sa sala at nakadungaw lang sa bintana.
"Sampung minuto lang, dapat makalabas na kayo ni Emma, Ms.Andie," yun lang ang sinabi nya.
Halos madurog ang puso ko sa inabutan ko sa kuwarto. Nagpapaalam si Madel kay Emma.
"Emma, tandaan mo, mahal na mahal ka ni Mama," sabi nito sa pagitan ng pigil na iyak. "Susunduin ka ni Tita Andie. Mabait yun. Maraming magmamahal sa iyo sa villa. Marami ring bata dun na makakalaro mo. Pero dapat mabait ka lang ha? Babalikan kita. Hintayin mo lang si Mama. Tutulungan ko lang si Tito Anton mo."
"A-ay-aw..." umiiyak na sagot ni Emma habang mahigpit na nakayakap sa ina.
Sa batang edad nito, tila naiintindahan na nya ang magulong sitwasyon nila.
"Madel..." mahinang tawag ko.
Kitang-kita ko sa mata nya ang pagkakaroon ng pag-asa paglingon sa akin.
"Ate Andie!"
Mabilis akong lumapit sa mag-ina at niyakap sila. Umiyak kami ni Madel.
"Bakit si Emma lang, Madel? Sumama ka na," sabi ko.
"Baka saktan ka na naman ni Anton. O baka higit pa dun ang mangyari," kita ko na parang may bago na namang pasa si Madel sa braso.
"Wag muna nating ipilit, 'Te. Ang importante ngayon si Emma," sagot nya. "Hindi stable si Kuya Anton. Mabuti nga napapayag ko syang pakawalan kahit si Emma lang."
"Paano ka?"
"Hindi ko pa alam. Pero nangako ako kay Kuya Anton. Tutulungan ko sya. H-hindi sya emotionally stable. Sinasamantala ko lang na hindi sya inaatake ng matindi ngayon. Mabuti at nailayo na nya ang isip na anak nya si Emma. Yun lang, iniisip nya na ako si Ate Ely. Pero minsan, naaalala nyang ako talaga si Madel. Ate, hindi kalaban si Kuya Anton. Kaya lang, sa ngayon, ako lang makakaintindi sa kanya. At sa akin lang sya nakikinig kahit papaano."
"Alam na namin lahat ang nangyari. Nagpaimbestiga na kami. Kakausapin ko sya," sabi ko.
"'Te, wag na muna. Bago magbago na naman ang isip nya. Pati ikaw malalagay sa peligro."
"Ms. Andie, kailangan nyo na umalis," malakas na tawag ni Anton.
Sabay kaming lumabas ni Madel sa kuwarto, karga nya si Emma.
Ayaw bumitaw ni Emma sa ina.
"Sige na, anak," bulong ni Madel.
Iling lang ito ng iling habang umiiyak.
Si Anton ang nagkalas nito kay Madel at ibinaba.
"Emma, sumama ka na kay Ms. Andie," sabi ni Anto.
Nagulat ako sa biglang paglambot ng boses at ekspresyon nito habang kausap ang anak ni Madel.
"Hindi ako ang papa mo. Nasa labas ang totoo mong papa. Hinihintay ka."
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
General Fiction"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...