51 Worthy

877 69 22
                                    

"May nauna na akong mga tao sa location. Plus we have some en route and scattered within the city perimeter awaiting instruction because there's a possibility that Guinto will change the location again," sabi ni Rob matapos dumiretso nang pagkakatayo mula sa pagyuko at pagkalkal sa loob ng trunk ng kotse ko.

"Don't worry, everything is well-planned. And we have your back," tapik nya pa sa balikat ko.

Nahalata nya kasi na nagtagal ang tingin ko sa hindi gumagalaw na katawan ni Domingo sa loob ng car trunk ko.

Nakatali ang paa at kamay ng lalaki. May duct tape sa bibig.

Pumaling sa akin si Domingo at saglit na nag-usap ang mata namin.

"I'm sorry. It has to be this way," ang sabi ko sa kanya bago isara ang trunk.

Yes, the guy is still alive.





Lahat kami natigilan. Nagkatinginan.

And then we all looked at Domingo who was still on the floor locked in Rob's hold.

"A-aris..." si Andz.

Paglingon ko, umiling ang bestfriend ko. Ilang beses habang umiiyak at yakap ng asawa.

Si Juno, nakatakip pa rin ang isang palad sa bibig, on the verge of crying.

Nung bigla syang ngumiwi at napahimas sa tyan, walang sabi-sabing binitawan ni Rob si Domingo.

"Love..." mabilis nyang tinungo ang asawa."Are you okay?"

"PUTANGNANG PAKSYET YAN!" nakangiwing hiyaw ni Juno. "BABAE LANG ANG KINAKAYA!"

Niyakap agad ni Agoncillo si Juno dahil nagsisimulang mag-breakdown ang babae.

"Love... calm down... please..." pang-aalo ni Rob dito habang hinihimas ang likod."You can't stress out yourself."

Tuluyan nang umiyak si Juno.

Alam na naman namin na madaling mag-react nang ganito si Juno lalo't kapamilya ang involve. But her pregnancy had added fuel to her moodiness, then flared up by Madel's begging for help which we've just heard.

"HANAPIN MO ANG PUTANGNANG YAN, ROBINSON! PAPATAYIN KO ANG HAYUP!" tungayaw pa ni Juno kahit umiiyak at hinihimas ang pitong buwan na tyan.

"Alright, I will. We will. Just calm down, love. Please naman oh! Baka mapa'no kayo ni Baby," pakiusap dito ng asawa.

Napaupo na ako sa couch.

Si Domingo, nakaupo na sa wooden tile na sahig ng den, hinihilot ang nasaktang leeg at mga brasong inipit kanina ni Agoncillo.

Binalingan ko sya, "I will kill you, Domingo, just to save Madel."

"ARIS!" saway ni Andz.

"Douche, stop it! We will find a way without hurting anyone," sabi ni Schulz.

Hindi kumibo si Domingo. Basta yumuko lang at nag-iisip.

"Boss..." tawag nang isang agent ni Rob sa kanya."Nakuha namin ang location ng number na ginamit ni Guinto. At iba rin sa lugar ng meet up mamayang gabi. Gaya na sa ibang lugar nagpi-ping ang cellphone ni Ms. Rosales ngayon."

"Call Jack. Para ma-monitor ang movement nung ginamit na phone," ang sagot ni Rob. "Malamang tinapon na ang cellphone ni Madel this morning."

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon