50 Waiter

785 53 15
                                    


Aris POV

Madel handed me the bouquet of roses I gave her then watched her and our Emma walk away back into the resto.

Nakita ko pa na nagtanong si Madel sa isang waiter. Kahit nakaliko na sila sa dulong hallway, nakatingin pa rin ako kung saan ko sila huling nakita.

Hindi ko gusto ang pakiramdam na parang naglakad sila palayo at nawala sa paningin ko.

Inalis ko lang ang mata ko dun dahil lumabas si KC.

"Going home?" I asked.

"Almost," nakangiti nyang sagot. "Nakaligpit na rin ang team ko. May kukunin lang ako sa kotse na sample portfolio. May client referral kami galing kay Maru." 

Yung manager nitong resto ang tinutukoy nya.

"Your team is good that's why," I complimented.

Napangiti sya, "Thank you."

Inangat ko yung hawak kong bouquet, "Nice touch on this. I didn't think of that but you did."

Nagkunut-noo sya bagaman nakangiti, "Uhm, hindi ang team ko ang nag-isip nun. Akala ko, ikaw ang nag-instruct sa manager nitong resto para pahabol na ibibigay kay Madel."

Napaisip ako saglit, "No, I didn't. Maybe the resto initiated it."

"Tatanungin ko si Maru pagbalik ko sa office nya para ipakita yung samples ko," sabi nya.

Saktong palabas ang head waiter ng resto kaya tinanong na rin namin.

"Hindi, Ma'm. Hindi namin kilala yun. Akala namin, staff nyo sa team," ang sagot.

An unexplained fear crawled over me.

"Hindi ko sya tao sa events," sagot ni KC.

Nawala ang atensyon ko sa kanila dahil napadako ang mata ko lampas sa head waiter.

May ilang staff ng resto at ni KC na nagmamadaling nagpuntahan sa hallway nanilikuan nina Madel kania-kanina. Kahit nasa labas kami ng glass door entrance, may nadidinig akong parang sumisigaw.

My heart started pounding.

Before I could step forward to go back into the resto, the head waiter said,

"... andyan pa po sya sa loo—"

Lahat kami nagulat. At ako , nanlaki ang mata.

"Is that a gunshot?" sina Mommy.

I did not bother excusing myself as I passed through between KC and the head waiter.

Kita ko natuluyan nang nagkagulo sa loob ng restaurant.

Nanlalaki ang ulo ko sa takot!

Si Daddy at ang mag-ina ko, nasaloob!

Nagtitiliang mga empleyadong babae ang narinig namin pagtulak ko pabukas sa glass door.

"What's going on?!" tumaas ang boses ni Mommy.

"Sir, wag ka munang pumasok!"

Si Norman yun na humabol agad sa akin galing sa parking.

Sabay kaming napauklo dahil isa pang putok uli ng baril ang umalingawngaw.

"OH MY GOD! OH MY GOD!"

Hindi ko alam kung sa bibig ko galing yun o kina Mommy.

"Sir, mauuna ako!" hinatak ako ni Norman sa likod ng suot kong polo.

"Naro'n ang mag-ina ko!" tabig ko sa kamay nya.

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon