Hindi agad ako nakakibo sa sinabi ni Aris. Sa tono ng salita nya, para syang nagseselos. Parang gustong kiligin ng butu-buto ko.
"Hello? Madel?"
"Oh?"
"Hindi ka na sumagot."
"E kasi...ano...galit ka na naman," sabi ko.
At dahil nagkaroon ng kaunting pag-asa ang puso ko, naglakas loob akong magtanong. "Ano ba kasing kinakagalit mo kung...umalis kami kasama si—"
"Wag mo ngang mabanggit-banggit ang pangalan nyan," putol nya sa sasabihin ko.
Di ko mapigilang mapangiti.
"Alam mong ayokong maglalapit si Emma sa sira-ulong yun!"
Bumagsak ang balikat ko. Si Emma pala ang inaalala nya.
"S-sorry," sabi ko. "Birthday nya kasi nung araw na nag-Palawan tayo. Nakalimutan ko nga."
"Tss."
"Ano... kaya nga ako tumawag sa iyo kanina. E kaso nung maputol ang tawag, di na kita makontak."
"Empty batt nga eh! Ni hindi ka nag-text!" Mataas na naman ang boses nito.
"Teka, nag-text ako pati si Ate Andie. Sinabi namin kung bakit ako – "
"Wala pa akong natatanggap. Kakabukas ko pa lang ng cp ko!"
Napaisip ako, "Eh, paano mo nalaman?"
"Nakitawag ako. Sa landline ako ng villa tumawag. Nakausap ko si Tala!"
Napasimangot ako. Ano naman kayang pinagsasabi nun?
"Sana, ano, kinausap mo si Ate Andie."
"Wala akong time kanina. Ang daming inaasikaso dito! My God, Madel!"
"Si ... Si Ate Andie ang ... ang nagsabi na sumama na kaming mamasyal kasi nga uhm ano. Sya na raw bahala. Kaya nga sya nag-text sa 'yo."
"Tsk! Si Andz talaga!" Yun lang ang narinig ko sa kanya at pagbuntung-hininga.
Bakit ganun? Pag si Ate Andie, ayos na agad?
"Uhm...kelan ka makakauwi?"
"Baka next week. Hindi pa ako sure. Kailangan ko ring pumunta sa Zambo by Thursday."
Saglit kaming wala masabi pareho.
"Si Emma?"
"Ano, dun sa kuwarto ni Hope daw matutulog. Teka, check ko kung gising pa."
"Hindi, wag na. Tatawag ako bukas ng gabi. Gusto ko syang makausap."
Doon natapos ang usapan namin.
Dala ko sa pagtulog ang pag-iisip kung ano sinabi ni Tala kay Aris. Tsaka bakit di nya binanggit kay Ate Andie na tumawag ito?
Kinabukasan, naging abala ako sa pagre-research sa internet ng medical schools at pag-i-inquire sa phone. After lunch, sa pagte-training ng first aid sa ilang staff ng Galaxy Resort naman.
Malapit nang bandang mag-a-alas singko ng hapon nung matsambahan ko si Tala sa may laundry area malapit sa servant's quarters.
Nagpapalamig ito ng mga bagong labang damit, galing sa tumble dryer.
"Tala, pwede ka bang makausap sandali?"
Tiningnan lang ako nito tapos binalik ang atensyon sa pagpapagpag ng mga mainit pang damit. Ni hindi nga sumagot.
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
Ficción General"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...