19 Sapilitan

1K 54 6
                                    


Naalimpungatan ako na may kausap si Aris sa pinto na kaunti lang ang pagkakabukas. Suot nya uli yung pantalon nya kanina. Wala pa ring pang-itaas at magulo pa ang buhok. Saglit lang iyon tapos sinara nya uli.

Huli na para magkunwari uli akong tulog dahil bigla itong lumingon.

"S-sino yun?" tinanong ko na lang para itago ang pagkapahiya.

"Si Jun. Hinahanap ka. Akala nya natutulog ka lang sa kuwarto nyo, e wala ka dun. Sabi ko narito ka, tulog."

Napakagat ako sa labi ko. Patay!

"Why, Madel? What's wrong about me telling her that?" he flatly asked.

Umiling na lang ako habang bumabangon, kipkip ang kumot hanggang sa dibdib ko.

"Ano...bakit daw?" tanong ko.

"Dinner will be served in half an hour, she said. Come. Let's shower together," simple nyang sabi.

Natigilan ako hindi lang sinabi kundi dahil sa bigla na lang uli nitong hinubad yung pantalon nya, at parang ahas lang na nagpalit balat kasi basta na lang iniwan sa sahig ang pinaghubaran nito.

Napatingin ako sa mapusyaw na balat nito sa pagitan ng puson at kaliwang hugpungan ng hita. Hugis dyamante iyon...katulad kay Emma.

"Why, you want another round, Madel?"

"Huh?"

Napatingin ako sa mukha nito na nakangisi.

"Ano yun?" nagulat kong tanong.

"You're literally looking at my 'thing'," nakataas ang kilay nitong sabi sa akin tapos tumingin sa 'ano' nya.

Namula ako. Shemay!

"Hindi ah!" napalakas ang boses ko.

Yung mukha nya, natatawang hindi naniniwala sa akin.

"Yung ano..." hindi ko malaman kung paano ko ituturo kasi baka isipin nya 'yun' ang tinitingnan ko.

Ayan tuloy, napatingin na 'ko. E bakit parang lumalaki uli tsaka...?

Shocks! Namanhid yata yung mukha ko sa hiya.

Tumawa ito.

"Hindi nga eh!" napipikon at naiiyak kong sabi. "Yung balat mo kasi. Magkaparehong-magkapareho kayo ni Emma. Kaliwa rin sa kanya."

"Talaga lang ha, Madel?" nakangisi pa ring sabi.

Magkasamang pagkapikon at pagkapahiya na dinampot ko yung mga damit ko at nagmartsa papunta sa banyo para magbihis.

Pero bago ko maisara ang pinto, pinigilan na ito ni Aris ng kamay nya.

"Let me in."

"M-mauuna na 'ko. Magbibihis lang naman ako," tulak ko pabalik.

"Not going to shower? Fine. My smell is all over you...and you reek of sex, sweetheart. I'm very ok with that idea, especially in front of Jun and the kids."

Nagulat ako sa sinabi nya. Wala sa loob na inamoy ko ang buhok at balikat ko, kaya nagawa nyang itulak ang pinto para makapasok at i-lock iyon.

"Alright, we'll shower together," ang sabi sabay hatak sa akin.

Hindi ako masyadong makapalag dahil mahuhulog ang kumot at damit ko na kipit-kipit ko.

"Pwede ba bitawan mo na yan?" nauubusan ng pasensya na sabi nya, nakatingin sa kumot at mga damit ko.

"Eh... kasi...'"

"My God, Maria Adelyn! Nakita, nahalikan at nadilaan ko na buong katawan mo, ano'ng inaarte mo?"

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon