Andie's POV
"Mommy, I'm gonna ride with Tito Aris," paalam ni Hope. Nakakapit ito sa braso ng lalaki.
Karga naman ni Aris sa isang kamay si Ashley, ang bunso sa kambal.
Pinapagalitan ko nga si Aris na huwag ipahalata sa kambal na ito ang paborito nya. Ayoko nang selosan sa mga anak ko.
Pareho nyang inaanak ang dalawa, but Reid let him give the name to the youngest.
Ashley ang napili nito para A din daw ang simula, sunod sa pangalan nya. Tapos kuha sa ash, dahil kulay abo pareho ang mata nang kambal.
Namana sa mga Schulz.
We named the older twin Phoenix dahil sa myth na 'the phoenix shall rise from its ashes'.
Fine, abo kung abo.
Palabas na kami sa building nun. Katatapos lang nang recital nya. Medyo natagalan kami sa loob dahil nag-picture taking pa kami.
Loko-loko kasi ito si Aristotle. Damihan daw namin ang pics para mainggit si Reid.
"Me, too! Me, too!" Sigaw ni Phoenix. Ang panganay sa kambal.
"Eeh..." napakamot ako sa kilay. "'Ris, baka may lakad pa kayo ni Ness?"
Usually, Saturday ang time nito kay Ness. Yung dine-date nito ngayon.
Ngumuso ito sandali, "Wala..."
"Ah, ok. Kids, dun na tay—"
"Wala na kami."
Biglang bumalik ang tingin ko dito. Pinanliitan ko nang mata.
Bumaling ako kay Hope, "Go ahead. We will use Tito Aris' car."
Kinausap ko sandali si Kuya Ramon para ipalaam iyon sa kanya. Magko-convoy na lang ito sa amin.
"Hope, watch over your brothers for a while. Mag-uusap lang kami sandali ni Tito mo," bilin ko dito after we deposited the kids inside his car.
"Tsk!" narinig kong palatak ni Aris.
Paglingon ko, nakanguso ito at nagkakamot nang batok. Alam nya kung bakit ko sya kakausapin.
"'Ris... I don't like what I heard and observed," I told him flatly.
"Sya nakipaghiwalay, hindi ako. Tsaka...di naman talaga kami," katwiran nito.
Hinampas ko ito sa braso, "Di kayo ha? Pero kung anu-ano kababalaghan ginagawa nyo!" Sermon ko pa.
Tumawa lang ito nang hilaw, "Lika na sa loob. Nakakahiya sa mga bata oh. Nakikitang pinapagalitan mo 'ko."
"Aris," seryoso kong tawag dito. "When are you going to get serious with your relationship with a woman?"
"Seryoso naman ako sa 'yo dati ah," nakangising sabi. "Aray!"
Kinurot ko ito sa bandang ribs.
"I'm serious, Engr. Kho."
Napakagat ito sa labi tapos ngumiti nang malungkot. Napabuga ako nang hangin.
Kahit hindi namin pag-usapan, alam ko ang pinagkakaganito ni Aris.
"'Ris... people are different. I'm not those girls... and they are not me," I calmly said.
"Oy, asa ka, Andromeda! Di na kita pinagnanasaan!" Salag nito.
"You jerk!" Sinipa ko ito sa binti. "Di iyon ang ibig kong sabihin!"
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
General Fiction"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...