44 Spite

830 65 8
                                    


Madel's POV

Sa mga sinabi ko kay Aris nang gabing yun, may isa doon na may bahagyang kasinungalingan.

Yung hindi ako naniniwala sa sinasabi nyang mahal nya ako.

The truth is... gustong maniwala ng puso ko pero hindi ng utak ko. Natatakot ang puso ko na umasa kasi iba ang dinidikta ng isip ko. 

Nasa gilid ako ng campus chapel. Dito ako ngayon nag-i-stay para mag-review mahigit isang linggo na.

Umiiwas kasi ako sa mga tao dito sa campus. Kumalat ang balita tungkol sa amin ni Aris at kung paano nabuo si Emma.

Di ko alam kung paano kaya lang dapat ko na palang asahan yun. May sinasabi sa buhay ang mga nag-aaral dito. Malamang isa sa kapamilya o kakilala nila ang naroroon sa inauguration party ng MonKhAr.

  Bakit ba may mga taong wala namang kinalaman ang mahilig nakikisawsaw?

Kaya pala pagpasok ko kina-Lunesan, may ilang estudyante na patingin-tingin sa akin.

Ang unang nagsabi at nagtanong sa akin, sina Kim at Precy.




"Ayokong pag-usapan," matamlay kong sagot sa kanila.

Nasa campus cafe kami. Vacant period namin.

"Naririnig ko na yang MonKho sa mga kaibigan ni Papa. Pati yung pagpalit nito ng pangalan sa MonKhAr," si Kim. "Big time pala ang tatay ng anak mo, Adelyn. Sya pala yun! Ikaw ha!"

"H-hindi nama--"

"Tsaka close ka pala sa mga Schulz," si Precy. "My God, girl! Friedrich Schulz is one hunk daddy!"

Di na ako kumibo.

"Kaya lang, totoo ba yung kwento kay Mrs. Schulz tsaka daddy ni Emma?" di mapigilang itanong ni Kim.

Natigilan ako. Pati ba naman yun?

"E-excuse me," di ko na tinapos ang kinakain ko at tumayo pero inawat ako ni Precy.

"Madel..." magaan nya akong hinawakan sa braso. "Ano, sorry."

Nakagat ko ang labi ko.

Oo, silang dalawa ang makukunsidera kong ka-close di med-school, yet para sa akin masyado pang premature para maging ganoon ako kakampante magsabi ng nasasaloob ko sa kanila.

"Naku, I'm sorry din," sabi ni Kim at maarteng napatakip sa bibig. Normal na nya yun since dala na rin siguro nang pagiging binabae nito."Di ko lang kasi napigilan ma-curious. I mean... ano, gets mo naman, di ba?"

Naupo uli ako. "Sabi ko naman kanina, ayokong pag-usapan."

"Bakit ano, di pa kayo magpakasal?" sinsero naman ang pagkakatanong ni Precy. "I mean, mukhang pinaninindigan naman nya ang anak nyo."

"Hindi ganun ang pananaw ko sa pagpapakasal."

Di sila nagsalita nang ilang segundo.

"Paano ang anak nyo?" si Precy.

"Di ko naman ipagdadamot sa kanya. Close naman din si Emma sa kanya."

"Sayang naman," si Kim uli.

Natigil kami sa pag-uusapan dahil napansin namin ang maliit na komosyon malapit sa pinto.

May dalawang estudyante doon na itinuro ang direksyon namin sa isang babae.

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon