Tahimik kaming kumain ng hapunan. Sa kuwarto rin. Sa isang parte ng sahig na hindi sakop ng manipis na bed foam na binili ni Anton para sa amin.
Yung dala ni Anton, naka-styro na pagkain. May kasama ring ready to drink milk para kay Emma.
"Ely..."
Napitlag ako.
Nagkaroon na ako ng trauma kay Anton na pilit kong pinipigilan. Ayokong makadagdag sa nararamdaman ni Emma.
"Oh?"
"Sorry...kanina..."
Hindi ako kumibo.
"Emma, halika kay Papa," tawag nya dito.
Naramdaman ko ang tensyon kay Emma. "Ako na lang magpapakain sa kanya."
"Inilalayo mo ba sa akin ang anak ko, Ely?" Biglang nagtaas ang boses nito.
Napapikit ako ng mariin. Humigpit ang kapit ni Emma sa tshirt ko.
"H-hindi. Pagod ka pa galing sa labas," sabi ko na lang.
Ayoko munang kontrahin ang pag-iilusyon ni Anton na ako si Ate Ely at si Emma ang namatay nyang anak sa sinapupunan ng asawa.
Medyo masakit pa ang pisngi ko sa sampal na inabot ko kanina sa kanya. Maliban sa narito si Emma. Hindi ko maatim na makita uli ang takot sa mata nang anak ko nung dalawang beses akong saktan ni Anton na nariyan sya.
Kanina na inatake sya ng matinding pangungulila sa asawa at pinipilit ang sarili sa akin.
"Bakit palagi mo na 'kong tinatanggihan, Ely? May lalaki ka na ba?" galit nyang akusa matapos magpadapo ng sampal sa akin.
"Wala akong lalaki. At hindi kita asawa," pilit kong inaalis si Anton sa pagkakadagan sa akin.
Nasa sala kami noon. Sala na walang laman na kahit ano. Tulog si Emma sa kuwarto.
"Kuya Anton, hindi ako si Ate Ely. Si Madel ako!" Sagot ko sa pagitan ng pag-iyak.
Tsaka ito parang natauhan. Tila hindi makapaniwala sa ginawa nya.
Mabilis nya akong hinila papasok ng kuwarto at ini-lock iyon, matapos sabihing bibili sya ng hapunan.
Sa mga ganitong pagkakataon talaga ako lumalaban sa kanya.
Hindi kasi kaya ng sikmura ko.
Dati palagi ko itong pinapaalala sa kanya. Na hindi kami ang mag-ina nya.
Nagkamali yata ako na paminsan-minsan ko syang pinababayaan sa mga pag-iilusyon nya na buo pa ang pamilya nya, dala ng awa. Parang ginatungan ko ang depresyon nya.
Punung-puno kasi ito ng pagsisisi at guilt sa nangyari. Kasama na ang takot para sa kaligtasan namin at galit sa mga taong responsible sa pagkamatay ng mag-ina nya. At gusto rin nitong gawin ang huling bilin ni Ate Ely na ilayo at protektahan kaming mag-ina. Siguro, ito ang defense mechanism nya para sa guilt na nararamdaman.
"Akina si Emma," mabigat nyang sabi.
Wala na akong nagawa. Pinabayaan ko na. Baka magkaroon ng retaliation si Emma sa kanya at ang anak ko na ang makatikim ng pananakit ni Anton.
"Sige na, anak. Dun ka kay P-papa," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
General Fiction"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...