33 Ekslusibo

892 66 15
                                    


Madel's POV

Naramdaman ko agad ang paghigpit ng kapit ni Aris sa bewang ko.Kahit ako, natensyon dahil di man ako tumingin, kilala ko ang boses na yun.

Si Kuya Anton. May kasayaw itong isang may katangkaran at magandang babae.

Magandang babae na agad bumitaw sa kanya, kaya walang nagawa si Aris kundi ang makipagpalit ng kasayaw, atas ng kagandang-asal.

Apologetic ang tingin na iniwan ko sa kanya sa kabila nang matalim na tingin nya sa akin at kay Kuya Anton.

"Hello, Aris," malambing na sabi nung babae.

"Hi...uhm..." tila nangangapa sya kung sino ang kasayaw.

"That's really rude to forget someone you've been ... ahm...you know," may kaharutang sabi na hinaluan ng mahinang tawa pa.

Nakaramdam agad ako ng selos. Alam ko ang ibig sabihin nun.

Hindi ko na narinig ang sagot ni Aris dahil palayo na akong isinayaw ni Kuya Anton.

"'Musta ka na?" ang sabi.

Dun lang ako napatingin sa kanya. "Maayos naman, Kuya. Sorry, di ko na nasabi sa 'yo na lumipat na kami sa condo."

"Oo nga eh. Kahit man lang sa text," may himig pagtatampo sa boses nito.

"Sorry talaga. Biglaan ang paglipat namin. Tsaka, ayun nga. Pasukan na kasi. Ang dami naming inaasikaso."

Totoo naman yun. Isa pa sa nakaokupa ng oras ko bago magpasukan ay ang pagpili ng sasakyan at ang gamayin ang sarili ko sa pagmaneho nito. Bumili si Aris para sa akin. Yung isa nyang chevvy na SUV kasi ay gamit ni Kuya Norman para kay Emma. At di naman palaging maihahatid o masusundo ako ni Aris. Magkakaiba ang schedule namin.

"Halos isang buwan na kayong nakalipat, Madel," ang sabi pa. "Kung di pa ako dumalaw sa villa, di ko malalaman. Kaya nga inimbitahan akoni Mr. Schulz ngayon para magkita tayo at magkakamustahan.

"Sobrang busy akosa med school, Kuya. Full load ako. Kahit kay Emma, minsan--"

Pinutol nya ang sasabihin ko, "Pinagbabawalan ka ba nyang kausapin ako? Mukhang nagpalit ka na yata ng number. Ilang beses akong tumawag dahil di ka nagre-reply sa text ko, pero unreachable."

Napaiwas ako ng tingin. Wala namang direktang sinabi si Aris, pero alam kong yun ang gusto nya. Kusa na rin akong umiwas para tuluyan kaming magkaayosni Aris, lalo't hanggang ngayon, masama ang iniisip nya tungkol sa akin. Gusto kong magtiwala sa akin ang tatay ng anak ko. Magagawa ko yun kung iiwas ako sa taong unang-una nyang pinaghihinalaan.

Natawa na lang ito ng mahina. "Ayos lang. Naiintindihan ko. Kahit ako ang nasa posisyon nya, baka ganun din ang maramdaman ko."

"Ha?"

"Nasa isang taon ko kayong tinangay at itinago ni Emma. Nailagay sa peligro. Di komasisisi Aris kung masama ang tingin nya sa akin," napahinga sya nang malalim. "Alam ko namang malaki talaga ang kasalanan ko at pati kayo nadamay. Ang akin lang, yun ang naisip kong paraan para protektahan kayo ni Emma gaya ng bilin ni Ely. Di ko lang talaga napipigilan minsan na nangungulila ako sa kanya noon kaya pati ikaw..."

Di nya tinapos ang sasabihin. Nakaramdam ako ng awa sa kanya lalo't medyo napahigpit ang hawak nya sa palad at bewang ko habang nagsasayaw kami.

"Hayaan mo na yun, Kuya. Ang importante, tapos na. Wag na nating balikan."

Matipid syang ngumiti sa akin. "Si Emma? Kasama nyo ba? Miss ko na sya."

"Oo. Nasa kabilang function hall."

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon