Wala akong nagawa kahit labag sa kalooban ko.
Asar na asar ako. Si Madel tuloy ang napagbuntunan ko ng inis ko nung kinuha ko ang handcarry bag ko para lumipat ng kuwarto.
"Bakit ka pumayag?" singhal ko dito.
"E ano, totoo naman ang, ano, sabi ni S-sir Reid. Pwede silang, ano, tumanggap ng bisita na gusto nila kasi, ano, bahay nila ito. Uhm... nakikitira lang naman kami ni Emma dito," alumpihit na sagot ni Madel.
"Kung bakit kasi dito ka sumisiksik. May bahay ako. Doon tayo!"
"Uhm...gusto ko rin kasing,ano, makilala ni Emma ang –"
"Wala akong ibang pamilya! Hindi ko sila pamilya!" Sigaw ko. Nag-uumpisa na naman mabuhay ang galit ko sa pamilya ko.
Nagkaroon ng pagkasuya sa mukha nito, "Kung ayaw mong makita ang pamilya mo, e di wag. Hindi ko ipagkakait kay Emma na makilala ang lola nya."
"Uuwi tayo bukas sa condo, umagang-umaga!" Deklara ko.
"Ayoko! Dito lang kami ni Emma," tanggi ni Madel.
"Doon kayo sa akin. Anak ko si Emma, tama lang na dapat nasa poder ko kayo!" Sigaw ko sa mukha nya.
"Anak ko rin si Emma. Wag mo akong didiktahan kung saan kami dapat. Gusto mong nasa poder mo kami para ano, Aris? Didiktahan mo kami kung ano ang gagawin? Semilya lang ang meron ka sa kanya para tawagin mo ang sarili mong tatay ka nya. Wala kang alam sa amin!" She blurted out.
Umakyat yata lahat ng dugo sa ulo ko sa sinabi ni Madel. I grabbed her shoulders then pulled her close to me.
"Kasalanan ko, Madel? Sino ba ang umalis at nagtago? Sino ang naglihim, ha?!" I shook her.
Nangilid ang luha sa mata nya.
"Oh my God, Aris! Ano'ng ginagawa mo?!"
Andz exclaimed at the door. Nasa likod nito si Schulz na matalim ang tingin sa akin.
Bigla kong binitawan si Madel at naupo sa kama pasabunot sa ulo ko.
"Shit! Shit!" I muttered.
Narinig ko ang pagsinghot ni Madel. Nagpipigil ito ng pag-iyak.
"Madel, ok ka lang?" Lapit dito ni Andz.
"O-ok lang ako, 'Te. Ano, medyo, ano, may pinagdidiskusyunan lang kami," sagot nito.
Kahit di ako mag-angat ng tingin, ramdam ko ang matalim na tingin sa akin ng prinsesa ko.
Tangna! Napapikit ako ng mariin habang hawak ang ulo ko.
"Hey, Douche. Better move to the other room now," tinapik ako nito sa balikat.
"Mabuti pababa pa lang ang mga bata," singhal ni Andz sa akin. "Pag ito naulit pa, Aris, hindi na kita papapasukin dito sa bahay!"
"Look, princess, I'm sorry," sabi ko.
"Bakit sa akin ka nagso-sorry? Ako bang sinigawan at sinaktan mo?" Sikmat sa akin.
Napatiim ako ng bagang.
"Ano, Ate... H-hindi naman nya ako sinaktan," salag ni Madel.
"E ano yung nakita ko? Wag mo ngang pinagtatakpan itong si Aris, Madel," nasusuyang sabi.
Ako na naman ang napagbalingan, "Umuwi ka na nga lang!"
"Andz naman," reklamo ko.
"Mine, that's too much," kahit si Schulz.
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
General Fiction"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...