Madel's POV
Hindi ko alam kung anong oras ako nagising. Basta ang alam ko, madilim pa. At nangangalay ang braso ko.
Yun pa rin pala ang pwesto namin mula ng mahiga kami ni Aris. Nakayakap ito sa akin, ako kipkip sa dibdib nya. Kahit ang hita nya na yakap sa balakang at hita ko.
Nararamdaman ko ang hininga niya sa noo ko.
"...sorry...sorry..."
Napatingala ako. Tulog pala sya. Kunut-noo.
Hinaplos ng awa ang puso ko. Dala ni Aris ang guilt feeling na yun hanggang panaginip.
Hindi lang ako handa kanina. Hindi ko inaasahan na lalakarin namin uli ang daang iyun.
Pero matagal na kitang napatawad, Aris. Mas lamang na mahal kita kesa galit ako. Mali, hindi naman ako nagalit sa iyo. Mas mahal kita na kaya nung takpan ang trauma na dala ng karahasan ng ginawa mo nun. Nasaktan lang ako ng husto sa mga sinabi mo nung gabing yun. Yung nagdedeliryo ka dala ng nainom mong alak at droga.
At nasasaktan pa rin ako kasi, inaalagaan mo kami dahil sa isang obligasyon.
"I have no plans of getting married, Madel. So technically, si Emma ang magmamana lahat ng meron ako. So, don't say na makikitira lang kayo. Whatever I have now, kay Emma yun. And you're her mom."
Naalala ko na naman ang sinabi nya kagabi. Napangiti ako ng mapait. Pero, naa-appreciate ko ang pagiging honest ni Aris. Aminin ko man o hindi, sa likod ng utak ko, ako lang naman ang parang tangang umaasa. At least alam ko kung saan ako lulugar.
Dapat maging masaya na ako na hindi nya itinanggi si Emma. Na nirerespeto nya ako bilang ina ng anak nya. Na kahit sa malabong estado naming, sa akin nya kinukuha ang pangangailangan nya bilang lalaki.
Yung panghuli, yun ang gusto kong paniwalaan. Kasi,hindi pa umuwi ng madaling-araw si Aris. At lagi nyang itinatawag sa akin o kay Ate Andie kung male-late sya ng uwi dahil may meeting o appointment sya.
Ganun din kapag out of town sya. Tatawag at tatawag sya para kumustahin kaming mag-ina. Kung hindi man ako ang makausap nya, kay Ate Andie sya tatawag.
Si Ate Andie. Alam kong si Sir Reid na ang mahal nya...pero di ko maiwasang makaramdam ng selos. Kasi parang mas matimbang pa rin ang salita nya kumpara sa mga hiling ko kay Aris.
Napabuga ako ng hangin. Naramdaman siguro ni Aris, lalong humigpit ang yakap nya sa akin.
Kahit nahirapan akong huminga, pinabayaan ko. Masaya na ako na kahit sa ganito lang, nabibigyan ako ng pakiramdam na mahal ako ni Aris. Na ayaw nya akong mawala.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya na dumaan uli dito. Hindi na mauulit. Promise. Hindi na kita sasaktan."
Napangiti na ako. Yung totoong ngiti. Sapat na yung sinabi nya. Mahirap mag-expect ng sobra.
Umangat ang kamay ko papunta sa pisngi ni Aris. Magaan ko yung hinaplos.
Yung dating pinapangarap ko, yung pinapanood ko lang sa mga events ng St. Margarette, yung lalaking binigyan ko ng bulaklak pero binalewala nya lang... eto yakap ako...at may anak na kami.
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
General Fiction"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...