37 Den

838 61 35
                                    

I both sent Maila and Norman for their early off for the week. I told them to comeback early morning on Monday.

"Boss, nasa parking na ang kapalit ko," sabi ni Norman matapos kunin ang mga damit nyang marurumi sa servant's quarter.

Tumango lang ako. Bad trip talaga ako eh.

Madel was quiet the whole time when we travel to Tagaytay.

Mabuti at di ako ang nagmamaneho. Dahil baka maaksidente kaming mag-anak.

Pigil na pigil kasi ang umuusbong na namang selos, duda, sakit sa dibdib at galit sa akin.

My conversation with Emma about things she sees as we travel is the only thing that's keeping my heart and mind from wandering off to those negative feelings.

Kahit si Ate Ada, napansin na may problema kami ni Madel.

"Mag-usap kayo, Dìdi," ang sabi sa akin.

Napangiti ako. Si Ate Ada lang ang tumatawag sa akin nang ganun. The Chinese for little brother.

That was Sunday afterlunch. Nagliligpit na sya nang mga gamit nila papauwi sa Bicol mamayang alas kuwatro ng hapon.

Naroon kaming dalawa sa kuwarto nila. Ang magpipinsan, naglalaro sa likod, binabantayan ni Madel at bayaw ko. Si Mommy at A-chi, bonding sa taniman ng gulay sa likod rin nitong rest house.

"I tried last night. Ayaw nya mag-open up," matamlay kong sagot.

"May pinag-awayan ba kayo? Hindi nyo dapat pinatatagal yan."

Hindi ako nagsalita. Maliban sa gusto ko itong resolbahin na kami lang ni Madel, baka mag-isip nang masama sa kanya sina Mommy at mga kapatid ko.

I can sense that they like her ... at ayokong masira yun.

Bumuntung-hininga si Ate Ada, "Alright. Kung ayaw mong sabihin sa akin, I understand. Issue nyong mag-asawa yan."

And yeah. The three of them already consider us 'mag-asawa'.

"Ang akin lang, Dìdi, parang kulang kayo sa usapang may personal touch. Sa dalawang beses na nakita ko kayong magkasama, yun mga usapan nyo are more transactional. Nagse-sex ba kayo?"

Namula ako sa direktang tanong nya.

Bigla syang humagalpak nang tawa then patted me on the head. Nakaupo kasi ako sa kama ng kuwartong inuokopa ng pamilya nya.

"Inlove na yata uli si Kapatid!"

Napahagalpak naman sya nang tawa nung mas mag-init ang mukha ko sa sinabi nya.

Hindi pa kasi ako handing aminin kahit kanino. Kahit nga kay Andz, wala akong sinasabi.

Kaso, huling-huli ako ni Ate Ada.

Sa takbo ng mga pangyayari ngayon, pakiramdam ko, maiiwan na naman ako. Ayokong nang maulit ang nangyari noon na sa kabila na natuwa ang mga kaibigan naming ni Andz at pamilya ni Schulz sa pagpaparaya ko, alam ko... ramdam ko ... naawa sila sa akin.

Alam kasi nilang nung panahon na yun, durug na durog ako na pakawalan si Andz.

Kaya nga isa rin yun sa mga sugat na pinahilom ko noon.

Not just being broken-hearted, but also the feeling of being pitied. It made me feel more pathetic and a loser.

Kaya tama na yung ako na lang muna ang nakakaalam sa sarili ko. Ayoko rin namang kahit si Madel, maawa sa akin. Alam nya ang pinagdaanan naming ni Andz, kaya hindi malabong mangyari yun.

I'm also trying to protect myself because if it happens again, I don't know anymore.

I may not believe that I will ever be capable to love again.

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon