40 Utal

842 63 40
                                    

"Ano yan? Itatakbo mo ang bata?" akusa nya.

Kung wala lang si Emma, malamang nasuntok ko na naman ito!

Nagpakasibil akong sumagot.

"Hindi. Alam ko namang susunduin mo ang bata. Kinausap ko lang. Hihintayin ka lang sana namin sa waiting area ng mga sundo."

Di ito kumibo nung nagpalipat-lipat uli sa amin nang natetensyong tingin si Emma. At sigurado akong nakita nya si Miming na hawak ni Emma.

Labag man sa loob ko, sumama ako hanggang sa parking. Humalik ako sa noo ni Emma bago sila umandar paalis.

Before lunch time na ako nakapasok sa MonKho. Bandang alas-siete ng gabi, tinawagan ko si Norman.

"Boss, kasama nya si Emma sa pagbisita sa mga stalls nya. Kakauwi lang nila. Mukhang di na uli aalis."

"I see. Sige, Salamat."

Saka ako umalis sa office. Dumiretso ako sa med school dahil alas-otso ang uwi ni Madel ng ganitong araw.

Magko-commute ito, sigurado yun kaya nag-abang ako sa gate.

Natigilan sya nung makita ako.

"Madel," hinarang ko sya nung balak nya akong lampasan. "Mag-usap naman tayo, please."

Tiningnan nya lang ako.

"M-may ano..." shit naman, oo! Di ko malaman kung paano ko uumpisahan.

Mas madali pang makipagbati kay Emma eh!

"Wait! Wag kang aalis," bilin ko.

Mabilis akong tumawid papunta sa kotse ko na nasa kabilang side ng street na yun.

Kaso nung lungunin ko sya, naglakad na pala uli.

Malapit na sya sa sakayan ng public transport.

Napakamot na lang ako sa ulo. Mabilis akong sumakay sa kotse ko at sinundan ang dyip na sinakyan nya.

Sa isang beses na paglingon nya nung may pumara, nagtama ang tingin namin. Bumaling agad sya sa ibang direksyon.

Sinundan ko na lang sya pagbaba. Alam naman yun, pero di talaga ako nililingon.

Hinintay ko syang pumasok sa bahay ni Domingo bago ako kumatok.

Sya rin naman ang nagbukas. Hindi pa nga nakakapgpalit ng uniform nya sa med school.

Pinigilan kong mapangiti nung makita ko si Jing sa sala na tinuturuan si Emma sa homework siguro.

"Pinuntahan mo si Emma sa school?"

Yun agad ang sabi. Nakaharang naman sa pinto. Ayaw talaga akong papasukin.

"Ang bilis namang magsumbong ni Domingo," parinig ko.

"Wala syang sinabi. Andyan si Miming."

Nakamot ako sa batok ko, "Uhm, yakap nya kasi yan lagi sa pagtulog."

"Ano'ng kailangan mo?"

Inabot ko yung laptop bag nya. "Andyan din yung pocket wifi at cellphone mo sa loob."

Tiningnan nya lang.

"Kailangan mo ang mga ito, Madel. Lagi kang nagre-research online. Nandyan ang mga notes mo. Isa pa para madali mong makamusta si Emma sa teacher nya. Tsaka, uhm... ano, para makausap ko si Emma. Uhm..." napakamot uli ako sa batok ko. "Bati na kami."

Halatang nagtatalo ang loob ni Madel.

"Please?"

She sighed then took it.

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon