Aris' POV
Although wala pa ring linaw ang nilalakad ko kay Madel, I feel light about our situation.
First, I'm getting to know my daughter's mother more. Hindi na ako nangangapa sa dilim kung ano ang iniisip nya.
Naalala ko ang sinabi dati ni Schulz.
"Well, you should know what your woman is thinking even if she's not talking. Body language, Douche."
Oo, malaking porsyento nang paggalaw o facial expression ni Madel, nababasa ko na. At aware sya dun.
At yun din ang dahilan na madalas ko na syang nahuhuling umiirap nang patago sa akin kapag nahuhuli ko ang iniisip nya.
Isa sa mga bagay na di nya noon gawain. Ang mang-irap at ngumuso.
Thing is, I'm enjoying every bit of the moment. I am like a boy getting to understand and solve a toy puzzle that was making me all frustrated before.
What Madel doesn't know, I also get information from Emma.
It's our father and daughter secret.
"Bàba, kelan po kami uuwi sa bahay mo?"
It's a Saturday afternoon. Galing kami ni Emma sa pamamasyal at susunduin namin si Madel sa med-school. May pasok pa rin sya every Saturday for this second sem but only in the morning, unlike last sem, hanggang alas-dos ng hapon ang pasok nya.
"Si Mama ang magsasabi. Nililigawan ko pa sya, di ba?"
"Ano po yun?"
"Uhm..." ang hirap ipaliwanag. Haha!
"Nagtatampo kasi si Mama sa akin. Di ba sinabi ko na yun sa iyo? Malaki ang kasalanan ko kay Mama. Kaya ganun."
"Para po magbabati kayo?"
"Uhuh!"
"Pag nigagalit ka po sa akin, Bàba, nililigawan kita dapat?"
Natawa ako. "Hindi. Magso-sorry ka lang sa akin. Uhm, yung panliligaw, para lang sa katulad namin. Sa nanay at tatay. Ganun."
Ayokong sabihin sa kanya na ang panliligaw ay para maging girlfriend ng lalaki ang isang babae. Masyado pang bata ang anak ko.
Just thinking about a guy courting my baby princess in the future is making me mad.
Di kayang tanggapin ng utak ko na magkaka-boyfriend in the future. I admit, it sounds immature because I know, a time will come, she will have one.
Ayoko lang isipin. Emma will always be my baby, and I will always be her first love!
Goodluck sa manliligaw kay Emma. Dadaan talaga sya sa butas ng karayom!
I chuckled in my mind.
Ganito pala ang feeling kapag may anak na babae! Haha!
"Ah, okay po."
"So," tiningnan ko sya rearview mirror, "May sinabi ba sa 'yo si Mama na bago?"
Umiling sya, "Lagi po lang sya nagri-read sa gabi. Tas, wag daw ako po lagi magcho-chocolates."
"Yun lang?"
"Uhm... ano po... minsan nititingnan nya pictures natin sa toplap nya."
Natawa ako, "Laptop yun, baby."
"Opo, toplap. Tas nihahawakan nya yung face mo po. Tas, tatawagin nya po ano uhm... Ano po... Aris. Kaw po yun, di ba, Bàba?"
Ngiting-ngiti ako na tumango. Kinikilig ako. Haha!
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
General Fiction"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...