Today is my mother's fifty-fifth birthday.
That's right. She's only fifty-five. She was married to my father when she turned eighteen. Again, arranged as per tradition. My father was eight years her senior.
Ayoko mang aminin, may kaunti akong kabang nararamdaman. Hindi para sa akin kundi para sa mag-ina ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga kamag-anak ko. Dahil ako nga ang tinaguriang prodigal son sa pamilya tapos pupunta ako sa selebrasyong iyun na kasama si Madel at Emma. Pamilyang hindi nila inabrubahan dahil labas ito sa tradisyong kinamulatan ko.
Sa likod ng isip ko, naroon ang pagtanggi na pumunta. Ayokong may maririnig o makikitang hindi magandang pagtrato sa mag-ina ko. Makakabastos ako ng tao...kahit matatanda!
Narito na kami ni Schulz sa labas ng villa. He is talking to Ramon and his two personal security men. Malamang nagbibigay ng instruction.Silang mag-asawa lang ang pupunta sa birthday ni Mommy. Maiiwan ang mga anak nila sa villa.
I was just done talking to our security man. I asked him to drive for us, instead of following our car from a distance. Mabilis namang itong pumayag.
Bumalik ako sa livingroom.
Ang tagal namang bumaba ng mga iyun. Reklamo ko sa isip ko.
"Wala pa ba?" si Schulz, pumasok na rin pala.
I shrugged my shoulders. "Women. And it's your fault, asshole."
Kumuha kasi si Schulz ng mag-aayos kay Andz at kay Madel. Katwiran ng mag-asawa, ito ang unang beses na dadalo si Madel ng formal party, bilang guest. Special guest to be exact. Silang dalawa ni Emma. Yun daw ang purpose ni Mommy kaya kami inimbitahan...ang ipakilala ang dalawa sa pamilya. Though, I doubt kung alam yun ni Daddy. Knowing my father...Tss!
"Mommy, you're so pretty," narinig kong sabi ni Hope. Nanood kasi ito habang inaayusan ang ina at si Madel.
I think, kakalabas lang nila ng isang guestroom kung saan sila inayusan at naglalakad sa hallway to the staircase.
"Finally," Schulz muttered as we walked to the foot of the stairs.
It took a minute or two bago bumungad si Andz sa hagdan.
Napangiti ako habang nakatingala kami ni Schulz sa kanya. Maganda talaga ang prinsesa ko kahit tatlo na ang anak. Para kaming nakatingala sa kanya ng asawa nya sa kanya habang nasa pedestal.
She's wearing a lavender off-shoulder mermaid long gown. She's matched it with a simple yet elegant diamond necklace, bracelet and earrings. Her hair is in French bun which I bet with a diamond hairpin as well.
As expected, very light ang make up nito.
"That's my wife you're looking at, you douche bag," Schulz hissed.
Nakangisi akong tumingin dito, "Well, you should be proud that other men still appreciate her beauty, asshole."
"I'm the only one allowed to appreciate her, gago!"
"Tss!" Seloso amputa!
Napangiti ako nung salubungin nya si Andz halfway sa hagdan then gave her a chaste kiss on the lips.
Andz wipe his lips a little then fixed his bowtie.
"Beautiful!"
Tumawa ng mahina si Andz, "You want me to say, 'Handsome'?" tukso nito.
"No need. I know I am," mayabang na sagot ni Asshole as they walked down the stairs.
Napatirik ang mata ko. "Baduy nyo!" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
General Fiction"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...