27 Boy

1.6K 75 41
                                    


Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mata namin sa repleksyon ng salamin.

Seryoso ang ekpresyon nya pero andun ang pagod. Mukhang di pa ito natutulog. Yung suot nyang long sleeved polo, nakatupi hanggang siko nya, tapos hawak pa nya yung handcarry bag.

Nagmumogmog ako pero, nagsuka uli ako.

Narinig ko ang mabilis nyang paglapag sa bag at hakbang papunta sa direksyon ko.

Mahigpit akong napakapit sa gilid ng lavatory.

Sinikop ni Aris ang buhok ko papunta sa likod sabay himas sa likod ko.

"Hey..." may lambot na sa pagkakasabi nya.

Nanlalambot ako pagkatapos nun. Inalalayan ako ni Aris palabas ng banyo hanggang makaupo uli ako sa kama.

"Ok na pakiramdam mo?" Malumanay nyang tanong.

Nakaluhod sya sa harap ko habang sinusuklay ng kamay ang buhok kong humaharang sa pagitan naming dalawa.

Tumango ako, himas ang tyan ko.

"Uhm, pwedeng paabot nung bag ko? May antacid ako—"

"No. You're not taking in any medicine, Madel, until we have you checked," halata ang pag-aalala sa boses nya.

"Checked?"

"When was the last time you had your period?"

Natigilan ako at napaisip. Yung tanong nya kanina nung inabutan nya akong nagsusuka...

"Madel."

"Uhm...Almost four weeks ago. Sa isang araw ko pa ine-expect na magkakaroon uli."

"We have to make sure. You might be pregnant. We never used protection ever since."

Kinabahan ako, pero hindi ganito ang sintomas ko nung ipagbuntis ko si Emma, though di pa nga ako delayed, alam ko na dahil sa pagbabago ng panlasa at pang-amoy ko, kasabay ng madalas na pagkahilo. Pero, iba-iba ang sintomas ng bawat pagbubuntis, nang bawat babae.

Kaya lang kasi...

"Ano...b-baka lipas gutom lang," sabi ko sabay tingin sa sahig.

"What?!" Nawala ang lambot sa boses nito. "Hindi ka kumain? Kailan pa?"

"Uhm...ano kasi, wala akong ganang kumain kagabi..." alanganin kong sagot.

"Bakit?"

Nagkibit lang ako ng balikat. Hindi ko maamin sa kanya kung bakit.

Napabuga ito ng hangin, "Galit ka sa 'kin?"

Hindi ako nagsalita. Ewan ko, pero di naman ako galit. Nagdadamdam. Kaya lang, di naman ako likas na ganito. Hindi ako nag-aalaga ng negatibong pakiramdam at isipin. Ngayon pa lang kay Aris, sa pagkakatanda ko.

Naupo sya sa kama, katabi ko.

"Madel...I'm sorry..." mahina nyang sabi.

Yun pa lang, tumulo agad ang luha ko. Madiin kong pinaglapat ang bagang ko para di ako mapahikbi. Masyado akong nagiging emosyonal. Baka sabihin ni Aris, ang arte ko na.

Pero di ko na rin napagilin ang paghikbi nung akbayan ako nito tapos hinapit sa kanya sabay halik sa ulo ko.

"I'm sorry. Nabigla lang talaga ako," paliwanag nya. "Isa pa, yung problema nga sa Bataan."

Tapos nagkwento sya tungkol sa Ate Ada nya. Mga kwentong narinig ko na sa Tagaytay at kay Ate Andie.

"Y-yung flight mo sa Zamboanga?" tanong ko.

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon