Apat na beses pa uling nagtangkang kausapin ako ni Olive. Lahat yun ay nag-abang sya sa labas ng campus.
Nabalitaan ko lang sa mga classmates o narinig sa usapan ng mga estudyante.
So far, isang beses ko lang naman sya nakita. Kanina yun. May binili kasi ako sa malapit na bookstore.
"Ms. Rosales!"
"OMG! That girl!" asar na bulong ni Precy.
Sya lang ang kasama ko that time.
Nakahabol ito sa amin bago kami makapasok sa gate ng campus.
"Just a short interview lang, please!"
Dumiretso lang kami sa paglakad magkaibigan. Pinagtitinginan na kasi kami nang ilang estudyanteng palabas at papasok sa gate.
"I just want the public to know na peke ang pinapakitang kabaitan ng mga Schulz, gayun din mga associates nya."
Saka ko sya hinarap.
"Wala kanga lam sa mga nangyayari sa loob ng pamilyang sinasabi mo. Hindi mo sila kilala."
"Does that mean na iniipit ka rin nila para hindi ka magreklamo sa kaibigan nila at ipaglaban ang karapatan mo bilang biktima?"
"What?! Ano'ng pinagsasabi mo?"
"You said it yourself. Wala akong alam sa nangyayari at di ko sila kilala."
"Pinipilit mo bang bahiran ng malisya ang lahat ng sinasabi ng tao sa paligid mo, Ms. Samson?"
"Hindi. Gusto ka naming tulungan as independent journalist na labanan-"
"Wala akong kalaban, Miss," natatawang naiinis na ako. "At hindi mo ako tinutulungan o kung sino pa man. Wag mong isangkalan na gusto mong maging socially aware at palaban ang mga babae na 'inapi' ng mga 'mayayaman' na gaya nang gusto mong palabasin."
Di ito agad nakasalita.
"Ang ginagawa mo, gumawa ng ingay sa mga pribadong tao para kumita ka. Sarili mo ang tinutulungan mo. Ang trabaho mo noon ay magbalita tungkol sa nangyayari sa sirkulo ng mga business people, ang mga parties at suot nila. Walang kinalaman sa negosyo ang pribado naming buhay. At wala akong magagandang damit para isama ako dyan."
"Our group wanted to put up an advocacy to defend women -"
"At ano? Gagawin nyo akong clown nyo para kumita kayo? At my expense? Sobrang abala at stress ang ginagawa mo. Naapektuhan ang pag-aaral ko."
"Pag-aaral na bayad sa iyo ni Engr. Kho para di ka magsalita?"
May sakit sa dibdib na dala sa akin ang mga sinabi nya.
Isa kasi yun sa pakiramdam at paniniwala ng utak ko na pilit kong isinasantabi.
"Tama ako hindi ba, Ms. Rosales?"
Napabuga ako ng hangin sa bibig.
"Hindi. Mali ka. Mali na business and fashion section ang kino-cover mo. I think mali rin ang trabahong pinili mo."
Napatawa ng maikli si Precy.
"Ms. Samson, kung totoong gusto mong makatulong sa akin o kung totoo ang sinasabi mong adbokasiya nyo, tigilan mo kami. Yun ang maitutulong mo."
"Malaki siguro ang kapalit ng pananahimik mo," sarkastiko nyang sabi.
"Mali uli," sagot ko sa kanya. "Our personal problems need our personal attention, not yours nor other people. We do not wash our dirty linens in public. This is a family matter. Family should always stick together."
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
Ficción General"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...