My prodigal mood has come back!
Here's the update for you, mga chichi!
===========================
Aris' POV
Gustung-gusto kong hilahin ang mag-ina ko palabas ng kotse ni Domingo. Ang nakita kong takot sa mukha n Emma kanina ang pumigil sa akin.
Nakapikit akong tumingala sa langit habang sabunot ang buhok ko nung mawala na ang sasakyan ni Domingo sa paningin ko.
Wala akong pakialam kung may mga nanonood pa rin sa akin.
Fuck! Fuck! Ano'ng gagawin ko?!
Will I just let Madel go away with the excuse that Emma is not my daughter? Hindi ako naniniwala sa sinabi nyang hindi ko anak si Emma!
Kaya ko ba talagang dalhin sa korte para ilaban ang custody kay Emma?
No. A big no. Mato-trauma lalo ang anak ko. Mas lalayo ang loob nya sa akin. At siguradong pati ang ina.
Should I wait for her to cool down and come back? E papaano nga kung hindi na bumalik ganyang magkasama na sila ni Domingo?
Sumagi sa isip ko ang pag-uusap namin ni Juno noong papunta kami kay Ninong Art para sa kasal naming ni Andz.
"It's hard to be caught in between difficult choices, Jun. People say, do not rush. Think about it. But I say, depende sa sitwasyon. Sometimes, you have to do something now and not let fate take its course. Kung ano ang gagawin mo, may epekto sa taong mahal mo at mahal nila sa buhay. Alam mo yung parang nervous system ng tao. Yung tusok sa daliri mo, di lang kamay mo ang aware dun, kundi buong katawan mo. Kung di ko pinabayaang sumabay na lang sa agos at di naglihim kay Andz, wala kami sa ganitong sitwasyon. Pati relasyon natin bilang Kuya mo noon, di magkakalamat."
"Time is essential, too, Jun. Kung di ako nagpadala sa pag-aalinlangan at takot noon. Kung umaksyon agad ako, walang Freidrich Schulz."
Shit!
Sarili kong payo, ako dapat ang gumagawa.
Tama na ang isang Freidrich Schulz. Hindi na ako papayag na magkaroon pa ng Antonio Domingo!
I turned going back inside the condo.
Nasa likuran ko pa rin pala si Maila.
"Ano'ng sinabi ni Madel sa iyo?" tanong ko bago lumakad.
"Eh ... wala, Sir. S-sabi nya lang bumaba ako kasi parating ka raw at may pag-uusapan kayong personal."
Napatiim ang bagang ko.
"Wag kang aalis. Dito ka lang sa condo. Babawiin ko ang mag-ina ako."
With that, I marched going to my car na pabalagbag ko na lang nai-park sa tapat ng condo.
Babalik muna ako sa villa. Hindi ako tapos kay Tala at sa kalokohan nya.
As much as I wanted to confront that woman, I opted to run after Madel first right after Andz told me that she immediately left upon hearing what Tala was accusing me of.
Ni hindi ko nga nakita pagbaba ko mula sa kuwarto ko sa villa.
Mabuti na rin yun. Baka kung ano pa ang masabi o magawa ko sa kanya.
I called Andz hands-free on my way to the villa.
"Where is she?" I asked as soon as my best friend picked up the call.
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
General Fiction"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...