15 Responsibility

999 50 4
                                    


Madel's POV

Isang linggo na mula nang palihim na natutulog si Aris sa kuwarto namin ni Emma.

Wala naman akong intensyon na dito sya patulugin at suwayin si Ate Andie, pero nung unang gabi na makatulugan nya ang pagbabasa ng bedtime story sa anak namin, pinabayaan ko na lang.

Isa pa, nag cute nilang tingnan mag-ama matulog tapos magkayakap.

Isa sa mga pangarap ko na makita. Hindi ko nga napigilan na kuhanan sila ng picture ng ilang beses. Iba-ibang anggulo. Yung pinakanagandahan ako, lockscreen na ng phone ko. Yung iba inilagay ko sa FB album pero naka-private ko lang sa akin. At kung hindi pa ako inaantok, hindi ko pagsasawaang panoorin sila matulog.

Ganoon ng ganoon ang nangyari tuwing gabi.

Kagabi, natuwa ako nung makita kong nagsisimula nang magtiwala si Emma sa ama. Pero nalulungkot ako. Kasi, ang tinatawag na papa ni Emma ay si Kuya Anton. Nakita ko ang pag-asim ng mukha ni Aris nung marinig nyang tawagin ng anak ko na 'papa' si Kuya Anton sa ospital. Pero hindi ko na naman maibabalik pa kung ano yung mga nangyari dati.

Si Hope pa lang ang kinausap ni Emma dito sa villa. Kung kausap na ba matatawag na humagikhik ito saglit kasabay ni Hope at sabihin dito ng pautal ang mga salitang 'ito' at 'Miming' na nakaturo sa stuffed toy na binili ni Aris sa kanya. Kaya malaking kasiyahan na sa akin na makitang nagso-soften up na sya sa ama.

Habang ina-upload ko sa FB ang mga pictures mula sa cp ko, pasimple kong inoobserbahan ang dalawa. Hindi man nagbitaw kahit isang kataga si Emma kay Aris, she communicates with him by pointing at pictures dun sa storybook. Minsan paulit-ulit, kasi paulit-ulit ko ring naririnig na binibigkas ng lalaki ang tawag sa mga tinuturo ni Emma.

Napakunot ang noo ko nung marinig na paulit-ulit at sunud-sunod na sinabi ni Aris ang 'quack-quack' at 'meow-meow'.

Tapos humigikhik si Emma kasunod ng mahinang tawa ni Aris.

"Niloloko mo ako eh," sabi pa nito.

Saglit ko silang tiningnan tapos yumuko uli sa cp ko para itago ang pagngiti ko.

They were both having fun!

May ilang pm akong binasa galing sa mga administrator ng Foundation, mga nangangamusta. Binalita na raw sa kanila ni Madam Schulz na nasa poder na uli ako ng pamilya nila. Sinagot ko na lang na dadalaw ako one of these days.

Tumitingin at nagbabasa rin ako ng mga news articles dahil sobrang outdated na ako sa mga nangyayari. Kahapon nga, nagbasa rin ako online tungkol sa medicine. Kinakalawang na ako sa mga naging lesson namin sa medschool nung nasa Negros pa ako.

Binuksan ko uli yung parcel na binigay ni Aris kanina. Naiiyak na naman ako sa tuwa. With my AWOL records being scratched off,  my IDs and bank records all here, mas madali sa akin na pulutin uli ang mga piraso pangarap ko para sa aming mag-ina na nabasag nung gabing mamatay si Ate Ely.

Pangarap ko para sa aming mag-ina. Nag-angat ako ng tingin sa kama. Ayun ang pangarap ko...



"Alam ko mahal mo si Aris. Hindi ko na tatanungin sa iyo kung kailan pa. Mas magandang sa kanya mo sabihin yun."

Namula ako at napayuko. Nahihiya ako kay Ate Andie. Hindi ako akalain na magkakausap kami ng ganito ngayon sa kuwarto nilang mag-asawa. Pumasok ako para ibigay ang iinumin nyang gamot. Ikaapat na araw na naming mag-ina sa villa.

Nasa opisina si Sir Reid at Aris.

"Di ko na rin itatanong sa iyo kung kailan at papaanong nagkaroon kayo ng Emma. That is really private and all. And it would be awkward to ask," natawa pa ito ng maikli.

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon