38 Karapatan

751 57 41
                                    


Madel's POV


Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa villa.

Basta ang alam ko, lutang na lutang ako hanggang makauwi sa condo. Hindi ko magawang umiyak. Manhid ang pakiramdam ko.

Pamamanhid na nagsimula pa kagabing hindi umuwi si Aris na unti-unting nadagdagan dahil hanggang paggising ko, walang text o missed call na nakarehistro sa cellphone ko.

Si Ate Andie ang merong text sa halip na natanggap ko pagkatapos kong maligo.


Madel, tawag ka sa akin pag nabasa mo ito.


Yun nga ang ginawa ko kaninang umaga. Kay Ate ko nalaman na sa villa natulog si Aris. Na nag-inuman ang magkakaibigan kasama si Sir Reid. At pinapupunta ako ni Ate dun para sunduin si Aris. Hindi ko alam kung bakit parang may laman ang pagkakasabi nya.

Hindi na nga ako pumasok sa school. Naiisip ko, baka napasobra ang inom at mas gusto ni Ate na ako ang mag-asikaso sa best friend nya. Na ikinatuwa ko naman. Kaya nagmamadali akong umalis sa condo kahit uniform sa med school ang suot ko.

Pinigilan ko ang sarili ko na tawagan si Aris o i-text. Feeling ko kasi, mukhang palihim lang ang pagtawag ni Ate Andie. Isa pa, ume-echo pa rin sa utak ko ang sinabi nya noon na wala akong karapatang tanungin sya. Echo na tumindi nitong mga nakaraang araw dahil sa isang hinala na ayokong tanggapin sa isip ko.

Isang hinala na pinatibayan pagpasok ko sa main door pa lang ng villa kanina.




"Bakit ka na nakahubad palabas sa kuwarto ni Aris?" narinig ko ang igting sa boses ni Ate Andie galing sa office library.

Hindi yun nakasara nang husto dahil nakatayo si Nanay Lydia sa may pinto nun.

"Ma'm..." tinig yun ni Tala na umiiyak.

Kumabog agad ang puso ko. Sabay napapailing ako.

"Sagutin mo 'ko, Tala?!"

"K-kasi po ... k-kasi po si Sir A-Aris..."

Hikbi nya ang sunod kong narinig.

"May nangyari sa inyo?!" tumaas lalo ang boses ni Ate. ""Imposibleng pinuwersa ka nya. Hindi ang tipo ni Aris!"

"H-hindi ko naman gusto, Ma'am..."

"Ipapa-check ko ito sa security CCTV, Tala. Sa lahat ng ayoko eh sinungaling!"

"Kayo po'ng bahala. Galing po talaga ako sa kuwarto nya. Makikita naman po yun sa camera."

Nakarinig ako ng hakbang papalapit sa pinto. Gusto kong umalis pero nakadikit na yata ang paa ko sa carpeted na sahig.

"Gigisingin ko si Aris para magkaharap-harap tayo. Nay, pakitawag po sa head security—"

Natigilan si Ate sa pagsasalita dahil sabay nun ang pagbukas nya ng pinto sa office library ay nakita nya ako.

"M-madel..."

Sabay pa nilang sabi ni Nanay Lydia.

Nakita ko rin si Tala sa loob. Bagaman may luha sa mata nya, nahuli ko ang patago nyang pag-ismid sa akin.

"Uhm ... aalis muna ako, A-ate..."

Tumalikod na ako at patakbong tinungo ang kotse ko. Hindi ako lumingon kahit ilang beses nila akong tinawag ni 'Nay Lydia.

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon