24 Path

1K 57 10
                                    

Hindi ko pinapansin ang nanunuksong tingin nang mga mag-asawang Schulz at Villamar nung sabay kaming pumunta sa kanila sa tabing-dagat na nakaakbay ako kay Madel.

Nakangiti lang sina Tito Frank at Tita Alice.

It was a fun afternoon.

Nagpaligsahan kami sa paggawa ng sand castle. Pamilya ni Erol, Andz at akin. Wala namang ginawa si Juno kundi ang guluhin ang bawat isa sa amin.

"Jun, wag mo sirain. Iiyak na yung kambal,"s away ni Andz.

"Yun nga hinihintay ko eh," pang-aasar nito.

Walang nakatapos sa amin ng maayos na sand castle dahil dito. Nakikita ko na rin ang frustration sa mukha ni Emma at anak ni Erol.

Wala talagang patawad itong kapatid ni Andz. Mahilig mang-asar ng bata.

Nagkatinginan kami nina Schulz at Erol. Sabay kaming nagtanguan.

Nagulat na lang si Juno at sigaw ng sigaw nung pagtulung-tulungan naming tatlo sa bitbitin sya at ihagis sa dagat. Namumula at ubo ng ubo ito dahil nakainom ng tubig alat.

"Akala nyo! Gaganti ako!" banta nito.

Pinagtawanan lang namin.

Kasunod noon ang pagligo na rin ng mga bata.

Kami ni Erol, tag-isang anak lang ang binabantayan namin sa paglulunoy. Si Schulz, tatlong bata ang nakasampa sa kanya.

Ang mga nanay, nasa pampang lang. Kuha ng kuha ng pics.

Nung mapagod ang mga bata, naglaro na lang uli sila sa mababaw na parte kasama ang mga yaya nila.

"Erol, yang mata mo!" sikmat bigla ni Sarah nung may dumaang mga babae na naka-two-piece bikinis. Buntis kasi ito ng apat na buwan sa pangalawa nilang anak.

"Ano na naman! Napatingin lang. Ikaw pa rin pinaka-sexy sa akin."

Natawa kami lalo na nung umahon si Erol para hilahin ang asawa maligo.

Hindi naman nahiyang alisin ni Sarah ang sarong nya at ilantad ang baby bump nito sa suot na bikini.

Lumusong na rin si Andz bitbit ang isang maliit na salbabida nung kawayan ni Schulz. As usual, naka-tankini ito. She never wore bikinis.

Pagtingin ko kay Madel, nag-iwas agad ito ng tingin. Tinutok ang mata sa mga bata.

Sinenyasan ako ni Andz na yayain ko ito, bago sila pumunta sa malalim na bahagi ng tubig mag-asawa.

Umahon ako.

"Hey, let's swim."

Tumingala ito sa akin tapos binalik ang tingin kina Emma. "Uhm, 'maya na. Bantayan ko mga bata."

"Ang daming kasamang bantay, andyan pa si Jun."

"Sige na, Madel," susog ni Juno.

I offered my hand and she reached for it.

"Nahihiya akong mag-alis ng malong," mahina nyang sabi. "Masyadong ano yung binili mo eh."

"Nag-swimming ka na dito dati, remember that brawl I had?"

Napayuko ito, "Gabi naman yun. Walang makakakita."

"Well, that jerk saw you. I saw you. Come."

Atubili man, hinubad ni Madel yung malong. Inilapag nya sa gamit naming beach towel na nakalatag sa buhanginan.

Parang gusto kong bawiin ang pagyaya ko sa kanya maligo. Parang sa kuwarto ko na lang sya gustong yayain. Gusto kong matawa sa kapilyuhang tumatakbo sa utak ko.

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon