Salamat po sa matyagang paghihintay na matapos ko muna ang Loving Juno, (at pagsubaybay rin sa DyoMaw story and struggles) bago ko ituloy ang kwentong ito.
It's been 5 months and 26 days.
Now, here's the complete UD for chapter 28. Enjoy!
================
Gusto kong mangatog sa tipo ng tingin sa akin ni Aris lalo na nung maglakad ito paalis sa table nila... papalapit sa amin ni Kuya Anton.
"Anton!"
Si Ate Andie, naunang makalapit sa amin.
Nakahinga ako nang maluwag.
"Akala ko di ka makakarating," nakangiting salubong nito.
"Uhm... bumisita pa kasi ako sa isang stall ko. Tsaka dumaan ako sa mall para bumili ng regalo," medyo naiilang na sabi ni Kuya Anton.
Kaya pala dahil may brasong umakbay na sa akin.
At sa gilid ng mata ko, nakita kong pati si Ate Andie, inakbayan ni Aris. Pinigilan ko ang mapabuntung-hininga ng malalim.
"'Musta, brod?"
Tango lang ang sinagot nya kay Kuya Anton at matipid na, "Ayos lang."
Niyaya ni Ate Andie si Kuya Anton papalapit kay Hope para ito na ang mismong mag-abot ng regalo. Nakita kong nakangiting papasalubong na rin si Sir Reid na galing sa mesa ng ilang bisita.
"Dun tayo sa table namin," pasimpleng bulong ni Aris nung kami na lang.
"Uhm... babantayan ko na lang—"
"No. The children's nannies are there to look after them. Dun ka lang sa tabi ko," giniya na ako nito papunta sa mesa nila.
Gusto kong makaramdam ng kilig pero napigilan yun nung kapwa naming mapansin na tila may problema sa mga kaibigan nila.
Nakita ko rin si Rob at Jun na mabilis na umalis, palihis sa mga bisita.
"Ano'ng problema?" tanong ni Aris sa mga kaibigan nya.
"Pupunta sila sa ospital. Kay Thunder," si Sir Erol ang sumagot.
Halatang naalarma agad si Aris, "Kailangang malaman ito ni Andz."
"Samahan kita," boluntaryo ni Sir Ralph.
"Sabihan ko na rin sina Sarah," dugtong ni Sir Erol na sumabay na sa dalawa paalis.
Gusto kong madismaya na bigla ako nitong iniwan sa table kasama ang mga kaibigan nya. Hindi ako kumportable.
Mas gusto ko pang doon na lang ako sa malapit sa swimming pool na nagbabantay kina Emma, o kaya kasama si Kuya Anton. Hindi ko lang alam kung saan ito makikiupong grupo.
"Tiyak na magwawala si Bunso kapag nalaman nya. Siguradong ngayon na sasabihin ni Rob ang totoo," narinig kong sabi ni Sir Mike.
"Magpaiwan na lang tayo dito pag sumunod sina Andie sa ospital," sagot ni Sir Jeff.
Nalilito ako sa pinag-uusapan nila.
Natanaw ko na rin na pasimpleng nilayo ni Aris at Sir Ralph sina Ate Andie at Sir Reid sa mga bisita. Tapos itinuro ni Ate Andie ang table namin kay Kuya Anton na kaabot lang ng regalo kay Hope sa kabilang side ng swimming pool.
"Uhm... samahan kita sa buffet table," offer ko kay Kuya Anton nung paglapit nya.
Nag-excuse kami sa mga kaibigan nina Aris.
"Parang may problema yata," si Kuya Anton nung kumukuha na sya ng pagkain. "Kilala mo yung Thunder?"
Umiling ako, "Ngayon ko lang narinig ang pangalan na yun. Ano, nasa ospital daw, sa pagkakadinig ko. Pupuntahan nung kapatid ni Ate Andie. Emergency yata."
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
General Fiction"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...