1 Recital

1.3K 54 5
                                    


"Babe... may tumatawag sa 'yo..." inaantok na sabi ni Ness na katabi ko sa pagtulog.

Hindi pa ako dumilat. Kinapa ko lang yung cp ko sa sidetable nang kama.


Schulz Ass calling ....


"What?" Yun agad ang sabi ko pagsagot.

Tumikhim si Schulz, "Hey, douche!"

Tss. Tangnang 'to! Ang aga-aga! Wala pa ngang alas-syete!

"Schulz, weekend ngayon. Pwedeng sa Monday na?"

"Gago! Di ito tungkol sa project nyo sa akin. Ano...uhm..."

Bumangon na ako. Alam ko na ang pakay nito kapag di work related.

"Babe, it's still early. Go back to bed," angal ni Ness na hinapit ako sa bewang.

"Sandali lang, Ness," sabi ko dito. Inalis ko ang braso nya sa akin.

"Oh... you with your girl?" tanong ni Asshole.

Tss. Obvious ba? Narinig na nga nyang nagsalita.

"Ano, delayed flight mo?" sabi ko kay Schulz sa halip.

Nasa Germany ito ngayon. Kagabi ang flight pabalik ng Pilipinas. Balita kahapon na may bagyo doon.

"Ganun na nga."

"Ano'ng oras nga uli recital ni Hope tsaka saan?" Tanong ko.

Sinabi ito sa akin. Kasunod noon ang malakas na pagbalibag sa pinto ng CR sa kuwarto ni Ness.

Tsk! Napakamot ako sa ulo. "Sige, sige na! Ako na ang pupunta. Alam na ba ni Andz?"

"Oo. Pakitawagan na lang si Hope. Maliban sa amin, you're the next person she's gonna listen to. Ayaw akong kausapin."

"Natural lang! Unang piano recital nung bata, wala ka. Tangna mo kasi! Kung di mo inagaw sa akin yung mag-ina, e di sana –"

"FUCK YOU, DOUCHE BAG!"

Dial tone na ang sunog kong narinig... tapos malakas na pagbalibag uli nang pinto naman sa mismong kuwarto ni Ness. Nakalabas na pala ito nang banyo at galit na lumabas ng kuwarto.

Natatawang napapailing na lang ako.

Sarap asarin ni Schulz! Haha!

Aw, shit! Si Ness pala!

Mabilis akong nag-shower at nagbihis.

May dala akong extrang damit kapag alam kong dito ako matutulog sa condo ni Ness.

We're dating for four months now. Dating and uhm... more.

Lumabas ako sa kuwarto. Naroon sa maliit na kitchen si Ness. Nagkakape. Ni hindi ako tinapunan ng tingin.

Lumapit ako dito.

"Ness, alis muna ako."

Umiwas ito nung halikan ko sa noo.

Tinaasan ko sya ng dalawang kilay.

"I thought we're going to Taal Vista for lunch today?" She asked just looking at her coffee mug.

"I said I'll check on it."

"Yeah, I remember. Kasi, talagang mas nireserba mo ang oras mo para sa 'best friend' mo at sa pamilya nya," mapakla nitong sabi.

"Are we going to argue about this again, Ness?" Naumpisahan kong mainis.

"Hindi naman dapat talaga, Aris, di ba?"

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon