12 Tandem

970 46 1
                                    


During breakfast, sinabi ko na mamimili kami ng mga damit nina Madel at Emma pagkatapos ng misa. Balak pang kumontra ng aso ni Andz pero naunahan ito ni Tita Alice.

"Oh sure, iho. That would be great! Family bonding kayo."

Napatikhim ako. Hindi kumibo si Madel. Tuloy lang ito sa pag-asiste kay Emma sa pagkain na tahimik lang rin sa kinauupuan nya. Napapagitnaan namin ito ni Madel.

"Reid, how about my grandchildren? No malling today?"

"They can go, but Drew and I will go home after the mass. She still needs to rest some more," sagot ni Schulz sa ina.

"Andz, kaya mo na ba talaga? Wag ka na muna kayang lumabas," sabi ko.

"Kaya ko naman, 'Ris. Sinat lang 'to tsaka ok naman yung pain killers ko," sagot ni Andz. "Maganda na kumpleto tayo sa misa. Pasalamat na andito na mag-ina mo."

"Samahan ko na mag-malling mga bata, 'Te," sabi ni Juno. "Wala naman akong lakad ngayon. Para di na rin mahirapan sina Tita Alice."

Ganun na nga ang nangyari. Naiwan sa amin ang apat na security personel na nakasunod lang sa amin nang may distansya, tapos si Ramon at isang security ang kasama nina Andz at Schulz pauwi.

Pagdating sa mall, pinabayaan muna namin ang mga batang maglaro sa isang paid playland ng isang oras.

Marami kasing bata doon. Gusto kong mag-enjoy si Emma but to my dismay, hindi ito nakisalamuha. Habang nagtatakbuhan sina Ashley, Phoenix at Hope sa slide at kung anu-ano pang obstacle course doon, mas pinili ni Emma na maglaro mag-isa sa isang playhouse na may mga stuffed toys at kitchen playset.

Nakita ko na kinausap ito ni Madel at itinuro ang mga batang naroroon sa loob. Umiling lang si Emma. Parang gusto kong maiyak. Sobrang baba ng confidence ng anak ko. The situation they were in in the past year had affected Madel's self-esteem, how much more si Emma?

After that, we looked for a resto to have lunch. Nakakatuwang panoorin ang mga anak nina Schulz. Ang kukulit tapos kasama pa nila ang baliw nilang tiyahin.

Hindi ko naranasan ang ganitong klaseng kabataan noon dahil palaging wala sa bahay ang mga magulang namin. Yaya at mga katulong sa bahay ang kasama naming magkakapatid. Paminsan-minsan, uma-attend si Mommy sa school functions kung saan kailangan ng magulang. Tuwing graduation lang nakukumpleto ang mga magulang namin kung may medalya kaming makukuha.

Kumpleto lang kami tuwing Chinese New Year dahil sa clan gathering, na isang nakakabagot na pagtitipon para sa akin, dahil puro business at kasunduan sa kasal ang usapan. Mga bawal at dapat sundin namin. Nakakasakal.

Napukaw ang atensyon ko nung magsalita si Juno, "Emma ganda, gusto mo nang ice cream, beh?"

Tumingin muna ito sa ina. Ngumiti lang dito si Madel. "O-op-po."

Tapos na kaming kumain. Umungot kasi ng ice cream si Hope.

"O, alin dyan ang gusto mo? Pili ka lang. Papa mo ang magbabayad. Yung pinakamahal ang piliin mo,"nakangiting sabi ni Juno dito sabay abot ng menu ng mga dessert.

Baliw talaga itong kapatid ni Andz.

Natawa ng walang tunog si Madel.

Lihim akong napangiti. Ito ang unang natural na pag-aliwalas ng mukha nya simula manggaling sa resort.

Halos magdadalawang oras din kami sa resto nagtagal. We let the kids take their time eating while chatting. May kasama naman silang kanya-kanyang yaya at pati yung nurse ni Hope. Nakikikulit din sa kanila si Juno.

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon