Madel's POV
Magaan ang pakiramdam ko paggising. Maaga akong nagluto ng agahan namin. Patapos na akong magsangag nung bumangon si Kuya Anton.
Agad nya akong binati, "Uy, happy birthday."
"Salamat, Kuya."
Pumasok ito sa nag-iisang kuwarto sa apartment nya na kami ang umuukopang mag-ina.
Bitbit na nya yung unan at tinuping kumot. Paglabas, may dala na ring bihisan, tuwalya at paper bag ng NBS.
Inabot nya sa akin yung huli at natatawa, "Pagpasensyahan mo na. Ang haba ng pila sa gift wrapping section eh. Gift wrap na lang binili ko. Nakalimutan ko naman yung scotch tape. Di ko na naibalot."
"Naku, nag-abala ka pa. Pero, thank you."
"Andyan na rin yung regalo ni Jing. Pinaabot na lang."
"Di ba sya pupunta dito ngayon?"
Umiling si Kuya. "Hinatid ko kaninang madaling-araw sa office nila. May provincial auditing sila. Sa isang araw pa ang balik nila."
Staff kasi si Jing ng Auditor's department sa kumpanyang pinagtatrabahuan.
"Ay, thank you talaga! Paano nyo nalaman?" ang nasabi ko nung makita ko ang paper back novel na regalo ni Kuya at may gift card sa isang sikat na tea shop. May branch noon na malapit sa med school.
Natatawang ibinalik ni Kuya Anton ang pagyakap ko sa kanya.
Tumikhim sya, "Naalala ko nung bago tayo makuha nina Ms. Andie. Ganyan ang hiningi mo sa akin. Si Jing, napansin nya siguro na mas nagtsa-tsaa ka kesa sa kape."
Ginising ko na si Emma para mag-agahan.
Habang naghahanda kami sa pagsundo sa amin, napapaisip ako kung alam ba ni Aris na birthday ko ngayon.
Siguro naman, alam nya.
Lihim akong napapangiti sa sarili. At kinikilig.
"Di ka papasok sa office?" tanong ko kay Aris.
Yun ang unang pumasok sa utak ko at naitanong nung pagbuksan ko sya ng pinto. Hindi kasi sya nakasuot ng karaniwang long sleeved polo na may necktie.
Naka-dark red syang casual shirt with Mandarin collar tapos fitted white slacks.
Umiling sya, "I'm on leave today. May lakad kami nina A-chi at Ate Ada."
Saglit akong napaisip, "Uhm, Chiniese New Year?"
"Uhuh."
Pinatuloy ko na sya, "Pupunta kayo sa parang ano, Chinese Temple tapos mag-iinsenso?"
Natawa sya nang mahina tapos ngumiwi, "Yeah, parang ganun."
"I-isasama mo si Emma?"
Tiningnan nya ako saglit, "No."
Ewan ko pero parang may hatid na kirot yun sa akin.
"Hey," ginagap nya ang palad ko kaya napahinto kami sa may sala. "Don't feel bad about it. Uhm, ngayon lang uli magpapakita si Ate Ada sa angkan namin. A-chi and I will come along to support her and her family. At alam mo namang..." huminga sya nang malalim. "...may issue rin kami ni A-chi sa mga Kho.Baka lang kasi medyo maging magulo. Ayokong makita ni Emma."
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
General Fiction"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...