8 Seed

1K 42 8
                                    


"P-pa-pa?"

Parang gusto ko na talagang mapaiyak.

"Kumusta ka na, Emma?"

Nawala ito sa linya. Gustong maghimagsik ng puso ko nung magsalita uli yung Anton.

"Nakausap nyo na ang bata. Maayos siya."

Gusto kong sumagot pero sumenyas si Rob at Andz na wag akong magsalita.

"Anton," si Andz. "Si Madel? Ok lang ba sya? Kung pwedeng makausap ko sya kahit sandali lang, please."

"Tulog sya. Ayoko syang istorbohin. Tuloy ba bukas o ako na magpoprotekta sa mag-ina?"

"Dadating ako!" Pabiglang sabi ni Andz. "Pero, kasama ko ang mister ko."

"Pati ako!" Sabat ko na.

"Sino yan? Bakit may iba kayong kasama?!" Galit na sabi nung Anton.

Nakita ko ang matalim na tingin sa akin ni Andz, Rob at Schulz.

"Ano...kasi..." nataranta si Andz.

"Ako ang tatay ni Emma," pakilala ko.

Sandali itong nanahimik.

"Ako ang susundo sa mag-ina ko. Hindi si Andz," matapang kong sabi.

"Kay Ms. Andie lang may tiwala si Madel, kaya sa kanya ko lang rin ibibigay ang tiwala ko, Aris."

Nagulat kaming lahat. Kilala ako nito!

Tumikhim ito, "Ako pa lang ang pinagsabihan ni Madel kung sino talaga ang tatay ni Emma. Pero dahil nandyan ka, ibig sabihin pina-imbestigahan nyo na si Madel."

"Ano, Anton... ako ang nagsabi kay Aris. Wag kang magagalit. Unang kita ko pa lang kay Emma at Madel sa Baguio, nagkahinala na kasi agad ako," si Andz.

Hindi uli kumibo si Anton.

"Dadating kami bukas," sabi ni Reid.

"Maliban sa inyong tatlo, sino pa ang nakikinig sa usapang 'to?"

Napasinghap si Andz.

Tumawa ng mahina si Anton, "Masyado kang halata, Ms. Andie. Paano kita pagkakatiwalaan?"

Napaiyak si Andz, "Anton... kasi, gusto kong masigurado na safe ang mag-ina. Nanggaling na kami sa ganitong peligro kasi sinarili ko ang desisyon. Ayokong maulit kina Madel at Emma. Rob, magpakilala ka na, please."

Tumikhim si Rob, "Anton, Rob Agoncillo here. May-ari ako ng Agoncillo Investigation and Security Agency. Ako ang laging humahawak nang mga security issues ng pamilya Schulz at ni Aris Kho."

Sumabat na rin ako, "Anton, si Aris ito. Kadadating ko pa lang galing Negros. Dito na ako dumiretso dahil nga tumawag si Madel. Marami akong nalaman sa pagpunta ko doon. Katulad ng hindi ikaw ang pumatay sa asawa mo tulad ng lumalabas sa police report. Pero alam kong mas marami pa akong malalaman kung...kung makikipagtulungan ka sa amin."

Narinig namin na bigla itong napaiyak. Tapos bumulong-bulong ng 'Ely...Ely...'

Hindi kami lahat nagsalita.

"Kuya Anton..." narinig namin sa background nito. "Umiiyak ka na naman."

Kung nanlaki ang mata ni Andz, parang tumalon ang puso ko.

Naputol na ang tawag.

Nataranta si Andz pero inawat ito ni Reid na tawagan uli si Anton.

"Mine, don't. Let him think about it. Mukhang may ibang issue pa silang nireresolba maliban sa pagtatago. We will call again later tonight kapag di sila kumontak."

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon