11 Familiar

905 45 4
                                    


Sa villa na kami dumiretso. Wala akong nagawa.

Laking tuwa ni Nanay Lydia nang makita si Madel, ganun din ang mga dating kasambahay doon.

Nagulat sila nung ipakilala nito sa kanila si Emma na karga ko. Hindi naman sila nagkomento kahit nahalata ko na nakita nila ang malaking pagkakamukha namin ng anak ko.

Nasa piano class si Hope since it's a Saturday, kaya yung kambal lang ang naroroon.

Nahalata ko ang selos ng kambal nung makitang karga ko si Emma. Lalo na si Ashley.

Nagpaalam ako kay Andz at Schulz na doon muna kami ng mga bata sa attic playroom pagkatapos mananghalian.

Gusto kong bantayan ang tatlo. Gusto kong mapalapit ang anak ko sa mga batang minahal ko rin ng husto nung panahong hindi ko pa alam ang tungkol sa kanya.

Yung kambal, nakikipag-agawan sa atensyon ko. Kaya nga lalong naging awkward nung una si Emma. I didn't leave her side sa playroom. Halatang hindi sya sanay makisalamuha sa ibang bata.

Doon na kami inabutan ni Hope.

Umakyat ito kasama ni Madel sa attic room. Mapula ang mata nila pareho.

Mukhang nag-usap na ang dalawa sa ibaba bago pa kami akyatin.

As darling as she was, si Hope ang nag-adjust kay Emma. Kunsabagay, apat na taon mahigit ang tanda ni Hope dito.

Pagdating ng hapon, dumating sina Juno, Mike, Jeff, Ralph, Erol, Sarah at mga magulang ni Schulz.

Naiyak si Madel nung makita ang mga bisita nya.

Tuwang-tuwa si Tita Alice nung makilala si Emma.

"Naku, may anak ka na pala at kamukhang-kamukha ni..." napakunot ang noo nito tapos tumingin sa akin.

Napayuko si Madel. Napakamot ako sa batok ko.

"Aris...iho?"

"Po?"

Tinaasan ako ng kilay.

"Eh...ano, tita... anak ko po si Emma..." awkward kong sagot.

Narinig ko ang mahinang tawanan ng mga kaibigan namin.

"Hay naku...hay naku!" Parinig ni Juno.

Tss. Sinasabi ko na nga ba.

"Aba, e kelan nyo balak magpakasal?" Tanong ni Tita Alice habang himas sa ulo si Emma na katabi nito.

Namula si Madel at lalong nagpakayuku-yuko.

"Ano po...di pa namin napapag-usapan," alanganin kong sagot.

"Mom, they haven't talked since we picked them up," singit ni Schulz.

Tangnang aso 'to ni Andz. Pakelamero!

Pinanaliman ko ito ng tingin.

Nagkibit lang ito ng balikat. Sina Mike, nagtawanan lang.

"Ah, mahina," narinig kong sabi ni Rob kay Mike.

Nainis ako, "Musta kayo ni Jun, Rob?" sikmat ko. "Aray!"

May tumamang throw pillow sa gilid ng ulo ko. Tapos nag-walk out si Jun papunta sa den.

"Kids, laro tayo ng Tekken!" yaya ng kapatid ni Andz sa mga pamangkin. "Isama nyo si Emma."

Nagtawanan kami.

"Ikaw, Kho. Lagi mong inaasar si Jun," sabi ni Agoncillo.

"Ikaw nagsimula," sabi ko.

"Uhm, hatid ko lang po mga bata sa den," si Madel.

Chasing Reality  #B4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon