Dalawang luha agad ang sabay na tumakas sa magkabilang gilid ng mga mata ko.
Halata man ang pagkalito sa mukha, inalalayan ako ni Aris na tumayo nung imuwestra nang OB na puwede na akong magbihis.
"Hey..." mahinang nyang sabi na tinatapik at hinimas ako sa likod.
Wala sa loob na hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Gamit ang isang kamay pamunas sa mata, at ang isa, pantakip sa bibig ko para di kumawala ang hikbing pilit kong iniipit.
Hindi ko na napansin ang pagkabig nya sa akin at paghalik sa noo. Para kasing namanhid ako bigla.
Basta ang alam ko, tahimik lang akong umiiyak.
Hinatid nya ako hanggang sa pinto ng dressing room.
"What ...what do you mean false alarm?" di makapaniwalang tanong ni Aris. "I mean, all three PTs were positive.
Narinig ko ang pagtatanong nya nung nasa loob pa ako at nagpapalit. Nadagdagan ang luhang tumutulo sa mata ko.
Hindi ko malaman kung bakit ako nag-false pregnancy. At kung bakit hindi ko napansin na ganun.
"Let's wait for Ms. Rosales," advice nung doktor.
Kaya lang ayoko na yatang lumabas. Sobrang nahihiya ako na nanghihinayang na ewan.
Siguro nga, dahil sa si Aris ang unang naghinala last week, unconsciously, nakundisyon nang husto ang utak ko na buntis ako. Kahit alam ko namang tipikal na sinisikmura lang ako dala ng lipas-gutom nung inabutan nya akong nagsusuka, madaling-araw pagkagaling nya sa Bataan.
Na unconsciously, pumasok sa tago pero malakas na impluwensyang parte ng utak ko na gusto nyang magbuntis ako. Base ito sa sagot nyang 'better' nung sabihin kong baka magbuntis ako one time na mag-'ganun' kami.
Pagkabihis ko, naupo ako sa gilid ng dressing room, at tahimik na umiyak uli.
Siguro natagalan na kaya kinatok na ako ni Aris.
"Madel...aren't you done yet?" may pagkainip na nyang tawag.
Napahikbi ako.
"Oh God!" narinig kong bulong nya sa kabilang panig ng pinto.
Dahil wala namang lock, nabuksan nya yun.
Lalo kong niyakap ang tuhod ko at nagpakayuku-yuko doon. Kasabay nun ang pagyugyog ng balikat ko.
"Jesus!"
Sunod kong naramdaman, may dalawang kamay na yumakap sa akin. Lumakas ang tunog ng hikbi ko.
"Hey... it's ... it's alright," pang-aalo nya.
"Aris... I'm sorry... " ang nasabi ko na lang sa pagitan ng pag-iyak.
"Hindi mo naman kasalanan."
Pero kabaligtaran nun ang nararamdaman ko.
For crying out loud! Nasa medical field ako. Bakit di ko ....
Ganun na ba ako ka-emotionally pathetic na pati sa sikolohikal at pisikal na aspeto ay apektado na ako ?
May inabot ang OB kay Aris. Botteld water yun na binigay naman nya sa akin.
"Drink this,"ang sabi.
Pilit kong kinalma at hinamig ang sarili ko. Lalong nakakahiya ang inaakto ko. Di naman pupuwedeng dito ako buong araw. May mga pasyente pang naghihintay sa labas ng clinic.
Mahigpit akong akbay ni Aris paupo sa tapat ng clinic desk nung doctor.
At ang nakahihiyang parte nang pagpapliwanag ng OB ang pinakikinggan ngayon ni Aris.
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
General Fiction"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...