Madel's POV
Hindi ko maiwasang pangiliran din ng luha sa nakita kong reaksyon ni Aris nung marinig nyang tawagin sya ni Emma na Bàba.
Pigil nito ang pag-iyak habang magkayakap silang mag-ama.
Gusto ko sanang sumama sa yakapan nila pero nahiya na ako. Binigay ko na ang moment na yun para kay Aris. Ngayon lang kasi sya direktang kinausap ni Emma.
Nakuntento na akong tingnan sila habang nakatayo sa tabi ng kama, sa gilid ni Aris.
Ang sarap nila sa mata.
Tama si Ate Andie. Di man ipakita ni Aris, naghahanap ito ng pamilya. Yung matatawag nyang kanya. Si Emma yun.
Alam ko rin na hinahanap ni Emma ang bedtime story time nila nung nasa Zamboanga si Aris. Hinahanap nya yung kalinga ng isang ama. Ibang-iba kasi nung panahon na nagtatago kami kasama ni Kuya Anton.
Mula nung iwan ng mommy ni Aris ang photo album nito, lagi iyung binubuklat ni Emma bago matulog. Tapos nilalapag nya sa puwesto ni Aris sa kama namin.
Pareho silang mag-ama...at ako rin. Naghahanap kami ng matatawag naming amin.
Pero, sana... kasama ... ako sa damdaming iyon ni Aris. Sa paghahanap nyang iyun.
Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko sa mga sinabi ni Ate Andie na purong pagkakaibigan na lang ang meron sa kanila ni Aris. Kaya lang di ko pa rin maiwasang mainggit, ma-insecure... at magselos.
Sobrang close pa rin si Aris kay Ate Andie. Ni hindi sya makaangal kapag si Ate na ang nagsabi.
Kunsabagay kahit kay Sir Reid, close ito. Mukhang lambingan na nilang dalawa ang laging pag-aasaran. Pangalawang ama ang turing ng mga anak ni Ate Andie dito.
Hindi ko inaasahan ganito ang kahihinatnan istorya nilang tatlo.
Ganun nga siguro kapag nagmahal ka ng totoo. Kaya mong magparaya. Ang maging masaya para sa taong mahal mo.
Though, masaya ako para sa kanilang lahat. Natapos na yung gulo noon. Maayos nilang na-resolba. In fact, kahit si Juno na galit na galit noon kay Aris, eh ayos na sila at sa mga kaibigan nya.
Hindi ko lang talaga maiwasan ang negatibong pakiramdam ko.
Lalo na kanina. Nung sabihin nyang para kay Ate Andie yung pearl earrings dahil mahilig ito dun tapos pasimple nyang ibinulsa.
Nagulat ako nung pumulupot ang kamay ni Aris sa bewang ko tapos itinukod ang noo sa tyan ko, habang yakap pa rin si Emma.
"Salamat, Madel," mahina nyang sabi.
Tumulo na rin ang luha ko.
Marahan kong ibinaba ang isa kong palad sa ulo ni Aris at magaan na hinaplos ang buhok nya. Ang isang kamay ko naman ay sa likod ni Emma.
Ilang segundo rin kami sa ganoong pwesto.
Tapos may tumunog na kalam ng tyan.
Sabay pa kaming natawa ng mahina ni Aris. Palihim nitong pinunasan ang mata.
Pasimple akong kumalas pero hindi nya binitawan ang bewang ko.
Shocks! Di ko mapigilan kiligin. Kinagat ko ang labi ko ng madiin kasi baka mapatili ako tsaka para di ako mapangiti ng malapad. Nakakahiya. Baka makita ni Aris.
Natabunan nun ang insekyuridad ko kanina sa pasalubong nya kay Ate Andie.
"G-gutom?" tanong sa kanya ni Emma.
BINABASA MO ANG
Chasing Reality #B4
General Fiction"IT'S EITHER YOU MARRY ME OR I MARRY YOU! THOSE ARE YOUR ONLY CHOICES AND FUCKING DEAL WITH IT!" Two Lost Souls: She's only l...