Chapter 2: Welcome Home

411 18 0
                                    

"Jerome! Hurry! Malelate ako sa flight ko!" Cora said habang hila-hila ang maleta nya.

"Cora. Relax, okay? Nandito na tayo sa airport oh." Kalmado lang na naglalakad si Jerome kasunod ng dalaga.

"I've been waiting for this vacation. And i wont let anything or anyone block me again." Cora.

"Fine. Dont worry wala ng makakapigil sa pag-uwi mo sa Pinas." Jerome.

"Dapat lang." Taas noong naglakad papunta sa departure area si Cora.

Pero napahinto sya ng may malalaki ang hakbang na lumagpas sa kanya.

"Yeah. Im already in the airport. Dont worry i wont forget your pasalubong. I'll be there for real this time. Yeah. Okay. Thank you. See you. Bye!" It's Tanner na may kausap sa phone.

Habang ang nilagpasan nitong si Cora ay napanganga sa shock.

"He's here also?" Cora.

"Obviously. Mukhang sabay pa kayo ng flight ha." Jerome.

"Hah! Sana lang hindi ko sya makatabi sa eroplano." Cora.

"Haha! You wish." Jerome.

At feeling nga ni Cora pinaglalaruan sya ng tadhana.

"So, pano? Have a safe flight. I keep in touch with you, okay?" Jerome.

"Pwede ba nasa bakasyon ako kaya wag mo kong guguluhin." Cora.

"Haha! Fine. But after your vacation you have no choice sa pangungulit ko. Pasalubong ko pagbalik mo ha. And one more thing wag kang magpapataba don." Bilin ni Jerome sa alaga.

"Dont worry may gym naman. Bye na." Niyakap ni Cora si Jerome saka nagpaalam na dito.

At hindi maipinta ang mukha nya ng ihatid sya ng flight attendant sa upuan nya dahil nakaupo next to her ang taong ayaw nyang makatabi.

"Small world." Nakangiting sabi ni Tanner ng makita ang dalaga.

"Dont talk to me. I want a peaceful trip so dont ruin it." Inirapan ito ni Cora saka naupo sa upuang katabi ng binata.

"So, where do you live in the Philippines?" Tanner.

"I said dont talk to me." Hindi lumilingong sabi ni Cora.

"C'mon, we have a long trip. You'll get bored if you just sit there instead of talking to me." Tanner.

"Hindi ako mabobored because i have this." Saka inilabas ni Cora ang ipad at headset nya.

Cora just ignore Tanner during their trip.

Pero hindi nya namalayang nakasandal na pala sya sa balikat ng binata ng makatulog sya. Kaya naman ng magising sya dahil sa sandaling turbulance, napatuwid sya ng upo ng marealize nya ang posisyon nya.

"Your welcome." Nakangiting sabi ni Tanner reffering sa pagsandal sakanya ng dalaga.

"Hindi ako nagthank you sayo." Cora.

"Still your welcome." Tanner.

"Whatever." Sabi nalang ni Cora na nilibang nalang ang sarili sa pagbabasa ng magazine.

Dinedma lang ni Cora si Tanner hanggang lumapag ang eroplano na sinasakyan nila sa Pilipinas.

"Finally! Im home again." Nakangiting sabi ni Cora sa sarili habang nakangiting inililibot ang paningin sa labas ng airport. "So, Nasaan na kaya ang sundo ko?" Luminga sya sa paligid para hanapin ang sundo nya.

"You want to hitch a ride with me?" Tanner ask na tumabi sa dalaga.

"Thanks. But no thanks may sundo ako." Cora.

Perfect TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon