Chapter 23: The Flowers

112 8 1
                                    

A.N: Pahiram ng picture from your instagram, Madam! Hehe. Kunwari kay Tanner galing yang flowers hane?



******

         "Aaaaaaaahhhhhh!!!!!" Tili ni Cora.

        "Cora! Ano ba! Mababasag naman ang eardrum ko!" Reklamo ni Jerome na nakatakip sa tenga ang dalawang kamay.

     "Sorry, Jerome. It just that I can't contain this kilig. Aaaahhhh." Tili na naman ni Cora.

     "Coralyn! Umayos ka nga! Kagabi ka pa ah. Until now hindi parin nauubos yang kilig mo?" Nakasimangot ng reklamo ni Jerome.

     "Hay naku! Just let her be, Jerome." Natatawang sabi ni Jinri mula sa kusina.

      Kasama nila itong umuwi sa condo ni Cora last night.

      At kaya hindi matigil sa kakatili si Cora ay dahil mula ng dumating si Luis sa party last night ay hindi na pinakawalan ni Tanner si Cora. Lagi itong nakabantay sa dalaga saan man ito magpunta.

       "Am I right or im just assuming that Tanner is threaten to Luis?" Kinikilig paring tanong ni Cora sa dalawa.

      "I guess you are right. He seems jealous." Jinri.

       "Aaaahhh!!! Talaga? You think Tanner is jealous?" Cora.

     "Hay... Malala ka na talaga." Iiling-iling na sabi nalang ni Jerome saka nagpunta ng kusina.

      "Let's just have breakfast first okay?" Natatawang sabi nalang ni Jinri saka bumalik sa kitchen para ilabas sa dinning ang mga iniluto nya.

     "Yung bisita na pala ang nagluluto ngayon noh?" Jerome said habang tinutulungang maghain si Jinri.

     "Ow! Sorry, Jinri. Hindi ako nagising ng maaga to prepare breakfast for you." Apologetic na sabi ni Cora dito.

    "Its okay. I know naman na may hang over ka pa kagabi." Natatawang sabi ni Jinri.

    "Hang over? Hindi naman sya uminom ng alak." Jerome.

     "Hindi nga. But she's got drunk sa kilig." Jinri.

     "Hahaha! Tama ka dyan, Jinri. Si Tanner naman kase eh. Pinapakilig ako. Hindi tuloy ako nakatulog kagabi pagkauwi natin." Cora.

    "Hay naku, Cora! Just eat! Para naman mahimasmasan ka na." Pinagsandok na ito ni Jerome ng pagkaen. "Wait! Kumaen ka ng sweets kagabi right? Kaylangan mong mag-work out." Paalala ni Jerome.

        "Dont worry, Jerome. I will do that with Tanner." Cora.

       "Ewan ko sayo! Kaylan ka pa natutong kumire ha?" Jerome.

      "Ngayon lang? Kaya hayaan mo na ko noh." Cora.

       "Haha! Let's just eat." Naiiling na sabi ni Jinri.

       Nasa kalagitnaan sila ng pagkaen ng biglang may magdoorbell.

      "May inaasahan ka bang bisita?" Jerome asked.

      "Wala naman." Cora.

       "Baka delivery." Jinri.

       "Baka nga. Wait, titignan ko." Tumayo si Jerome para tignan.

        At bumalik ito na may dalang bouquet ng bulaklak.

         "Wow! Pink roses! Ang bango!" Amused na sabi ni Cora pagkakita sa bouquet.

        "Kanino galing?" Jinri.

         "Kanino pa ba." Jerome said habang iniaabot kay Cora ang bulaklak.

Perfect TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon