Maria Lina Isabel
" Hindi ata dumadalaw si Dion dito. " Napatingin ako kay Mommy at tipid na ngumiti.
" Busy sa pag-aasikaso ng papers Ma, Alam mo naman na graduating na kami. " pagsisinungaling ko. Kasabay nun ang malalim na pagBuntong hininga ko.
" Sabihan mo nga ang batang iyon na pumunta dito't maipaghanda ko siya. Naibalita kasi ng Mama niya na Suma Cumlaude siyang magtatapos, bibihira ang ganun lalo na sa kurso niya. " tango lang ang naisagot ko saka nagpaalam na rin na aakyat sa kwarto ko.
Sobrang Perpekto ni Dionysus. Lahat ng hinahanap mo sa isang lalaki nasa kanya na. He's a man of every woman's dream and yet pinakawalan ko siya. Bakit? Iyon nga, Perpekto kasi siya ibig sabihin dapat maging perpekto din ako para maging karapat dapat sa kanya. I need to pretend and act na naayon sa kanya para hindi madungisan yung pangalan niya. Nasasakal ako everytime na maalala ko na kailangan kong maging perpekto din. Bawat galaw ko ay kalkulado pakiramdam ko tuloy yung school ay isang maliit na kwartong may apat na sulok lang. Para akong nasa ilalim ng Martial law. Doon ay naghanap ako ng kalayaan, Naghanap ako ng tao na pwede kong maging hingahan. A safe haven for my soul and I found Kintaro. He's a varsity soccer's team magkaBlock kami sa isang subject at naging partners sa Thesis. He never failed to make me smile and laugh. He's got a good humour about jokes na hindi ko naman nakukuha kay Dion dahil bukod sa napakaseryoso niyang tao ay magAabogado pa siya. First ay crush lang naman talaga ang umusbong sa akin toward Kintaro and I feel guilty naman dahil kami pa rin ni Dion ay nagE-entertain na ako ng iba. Iyon pa ang panahon kung saan nagO-OJT siya. Alam naman ni Kintaro ang relationship ko kay Dion and yet he insisted na ligawan niya ako, wala naman akong nagawa kundi magpaligaw dahil nagsisimula na rin akong magkaroon ng kakaibang pakiramdam para sa kanya at habang kasama ko si Kin ay nakakalimutan ko nang may Dionysus pa pala sa buhay ko. Hanggang sa tuluyan ko na lang naramdaman na Wala na.. Wala na akong maramdaman para kay Dion. Sinagot ko si Kin two months ago and the guilt is haunting me.
Nung oras na tinanung ako ni Dion ay gusto ko ng umamin pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Natatakot akong masaktan ang kababata ko without knowing na sinasaktan ko naman na talaga siya sa ginagawa ko. I fell out of love on him dahil nagmamahal na ako ng iba and knowing Dion ay wala siyang nilapitan na babae maliban sa akin at sa bestbud niyang si Madeleine. Mahal ko si Dion pero hanggang kaibigan na lang talaga. Hanggang kababata ko na lang.
Nagsiunahan na ang mga luha sa mata ko. Kinakain pa rin ako ng guilt dahil sa ginawa ko kay Dionysus lalo na nang nakita ko ang reaksyon niya sa restroom. He became a monster. A monster that I created. Walang siyang ibang ipinakita kundi mahalin ako at pahalagahan and yet I broke his heart. He's too perfect for me na hindi ako karapat dapat sa kanya. He's too perfect, damn fcking perfect that I need someone to get me out of his perfectness.
" you broke up with him? " It was Justine Dorog my bestfriend slash blockmate.
" I don't know, wala naman siyang sinabi nung nag-usap kami. He just left me with an anger in his eyes. "
" Oh! I thought we we're talking about Kintaro. " Napailing naman ako sa sinabi niya. Hindi rin naman pabor sa relationship namin. Sino nga ba? Pinakawalan ko lang naman ang isang lalaki na kinahuhumalingan ng maraming babae.
" It should be Dionysus. Siya dapat ang pinipili mo! Hindi si Kintaro na wala namang ginawa kundi maglaro ng bola. Pati ulo niya hangin na din ang laman. " Hinampas ko naman siya sa braso niya. Walang preno yung bibig niya!
" you don't have any idea kung paano pumasok sa relasyon na si Dion ang kasama mo. " Inirapan niya ako.
" Oh talaga! Dion never failed to gave you flowers na parang nililigawan ka pa rin! He always tried to understand you kahit napakaTopakin mo. Tss. Ginto na yung hawak mo pinagpalit mo pa sa bato. "