DIONYSUS MATTEO
“ naliligaw ka rin pala dito. “ sarkastikong tono ang ibinungad ni Jessma sa akin nung pinuntahan ko siya sa apartment niya.
“ Jessma. “ kinunutan niya ako ng noo niya.
“ anu? Naalala mo ba na may Jessma pa palang nage-exist sa buhay mo kaya ka nandito?! Naalala mo ba pa pala na nandito ako sa tabi mo at nag-aantay sayo. Akala ko kasi habang buhay ka na lang magpapasubsob sa trabaho mo na lagi mong pinapalusot sa akin. “ napabuntong hininga naman ako saka niyakap siya. Hirap na hirap pa rin ako kung paano sasabihin sa kanya na gusto kong tapusin ang namamagitan sa amin. If she’s obsess with me ayos lang naman. Minahal lang naman ako kaya naiintindihan ko ang mga desisyon na nagawa niya pero yung katotohanan na hindi ko kayang masuklian ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin iyon ang mahirap. Alam kong asasaktan ko siya ng sobra, ramdam naramdam ko na mahal na Mahal niya ako kaya hindi ko mahinap ang tamang salita para sabihin sa kanya na tapos na kami. Hindi lang naman tungkol sa akin ang desisyon na ito, para sa kanya din, para hindi na masira ang pangalan niya at para makalaya na siya sa akin.
“ ang sakit sakit na balewalain mo ako Dionysus, last time I checked kasi ay wala naman akong ginawang mali. Last time I checked ay masaya ka naman sa piling ko then suddenly daig mo pa yung yelo kung makitungo sa akin. “ tinitigan ko naman siya. Mas lalo siyang mahihirapan kung ipagpapatuloy namin ‘to. Mas lalo siyang masasaktan kong hindi ko sasabihin ang totoo na si Isabel lang talaga ang babaeng mamahalin ko sa buong buhay ko.
" Jessma , Let's end this. I’m sorry. " Napapikit naman ako nang itulak niya ako palayo saka lumapat yung kamay niya sa pisngi ko. Nanalaytay yung sakit at halos mamanhid yung mukha ko. Pagdilat ko ng mga mata ko ay lumuluha ang mga mata niya. Masakit sa akin dahil gusto ko siya, I like her at alam kong hanggang doon na lang yun. Masakit din sa akin ito dahil napakabait ng pinapakita niya sa akin sa kabila ng mga ginawa niya.
“ I knew it! Sinasabi ko na nga ba, magmula nang maging malamig ka sa akin ay alam kong ma problema na, magmula nang mawalan ka na ng oras sa akin ay may pangamba na, tapos ka na ba sa akin huh?! Tapos ka nang makipaglaro sa akin! “
" hindi sa ganun Jessma , Ayaw ko lang na masira parehas ang pangalan natin. One of this day, if our relationship will be publicized,kapag nabunyag na sa lahat. Gusto kong pangalan ko na lang ang masira. Ayaw kong idamay ka pa. Maraming mawawala sa atin kapag nangyari iyon kaya dapat pangalan ko na lang tutal nadamay ka lang naman sa problema kong ito. “ hindi ko sinabi ang katotohanan sa kanya na kami na ni Isabel dahil natatakot ako, what if tama si Kintaro na maaring marami siyang gawin dito although hindi naman ganun ang pagkakakilala ko sa kanya.
" sumang-ayon ako sa relasyon na ‘to Dionysus, Sinagot kita noong tinanung mo ako sa kabila ng katotohanan na Ikakasal ka sa kanya. Buong puso ako na pumayag na makihati sayo dahil Mahal na Mahal kita. Matagal na nating ginagawa ang bagay na ‘to at wala akong pakialam sa lahat ng nakasalalay dito, wala akong pakialam sa pangalan ko. Ang mahalaga lang ay ikaw at ang tayo. " then lumapit siya sa akin at masuyong ipinalandas ang daliri niya sa mukha ko. Paulit ulit akong napamura. Jessma Clarice Ramos is a walking temptation but I need to be faithful kay Isabel sa asawa ko.
" As long as nasa akin ka, wala akong pakialam kahit kabit mo ako. I'm willing to take any risks for you Dionysus Matteo Carlos. " napabuntong hininga naman ako saka lumayo sa kanya. Punyeta! Nagwawala yung mga Endocrine System ko lalong lalo na yung serotonin at dopamine ko. Maghunos dili ka Dionysus! Pumunta ka para makipaghiwalay sa kanya, nangako ka kay Isabel na walang ibang mangyayari maliban sa pag-uusap.