DEANN IGNATIUS
" I told you huwag ka ng makalapit lapit sa kanya! " I hissed, kakasundo ko lang sa kanya doon sa Hospital kung saan nai-Stay in yung pangit na Khodaverdi na yun. Hindi ko alam kung hindi ba nakikinig si Felicia sa akin sa mga sinabi ko nung nakaraan! I even threat her pero parang wala lang sa kanya ang mga sinabi ko! Punyeta lang talaga! Kapag ako hindi nakapagpigil hindi na sa hospital ang punta ng Emil na yan!
" He's my friend anu bang problema doon? Isa pa binibisita ko siya pagkatapos ng ginawa mo! "
" Tss, Weak! NiHeadbutt ko lang siya nagpadiretso agad ng hospital. " asik ko. Hinampas naman ako nito.
" Bakit ang sama sama ng ugali mo?! "
" Bakit ang tigas tigas ng ulo mo? Hindi ba't sinabi ko sayo na layuan mo siya! Anung hindi mo maintindihan sa bagay na yun!? " Asik ko saka napahawak na lang sa sentido ko. This woman is stressing me a lot!
" Bumisita nga ako sa kanya dahil kaibigan ko siya! "
" Kaibigan?! Tsk .kung tignan ka nung kumag na yun ay parang hinuhubaran ka na! " I hissed. Hindi ba siya aware kung anung dulot niya sa amin na mga lalaki?! Punyeta lang talaga!
" Atleast siya tingin lang. Eh Ikaw?! Hinuhubaran mo talaga ako! " she mumbled then rolled her eyes. Kinuha nito yung magazine na nasa harap niya tapos binasa. Naiyukom ko ang mga kamay ko.
" Ginugusto mo rin naman yung kapag hinuhubaran kita ah?! " I hissed. Pagtingin ko, nakatutok na siya doon sa binabasa niya! Bwisit! Mas maganda pa ba yung tignan kaysa sa gwapong mukha ko?!
" Felicia Cui are you still fcking listening to me?! " I hissed, nung hindi siya kumibo ay kinuha ko yung magazine at inihagis sa kung saan. Tinitigan ko siya ng matalim baka sakaling doon ay makuha ko siya.
" Pwede ba Ignatius kung wala kang magawa tigilan mo ako, maghanap ka na lang ng babae mo sa labas! " Mabilis kong hinablot yung wrist niya dahilan para mapangiwi siya.
" Tsk. Iwasan mo siya. Binabantaan na talaga kita, Felicia. Isa pang kita ko na kasama mo ang kumag na yun, buburahin ko na ang mukha niya. " winaksi naman niya yung kamay ko't sinampal ako ng malakas. Damn! Papalagpasin ko na naman 'tong paghampas niya sa kagwapuhan ko!
" Hindi mo ako pwedeng diktahan sa buhay ko. Ignatius. Ilang beses ko na din bang sasabihin sayo, naglalaro lang tayo at hindi kasama ang pribadong buhay ko doon! " tinulak niya ako palayo saka sinampal ulit. Napailing na lang ako habang humahawak sa pisngi ko. Sht, magpapasa na naman 'to! Naiyukom ko rin ang mga kamay ko dahil mukhang tatakas na naman siya.
" Bakit ka natigilan?! " I hissed dahil napansin ko na nakatayo lang siya doon sa pintuan.
" Is there any problem here? " Sa harap niya ay lumabas ang mestiza din na babae. She looks sophisticated and elegant sa kabila ng ideya na hindi mo maitatanggi na may edad na siya. She looks like a resemblance of Felicia. Kung hindi ako nagkakamali ay..
" Mommy, What are you doing here?! " Felicia shrieked. Nanlaki naman yung mata ko sa narinig ko. I immediately make myself presentable.
" Ako dapat ang nagtatanung niyan, Felicia. Anung ginagawa mo dito? " tumungo naman 'to. Kung hindi ako nagkakamali sa naalala ko ay tumakas ito sa Espanya-- sa mga magulang niya.
" I told you Mom. Gusto kong maging independent. "
" Independent?! Kayang kaya mo naman iyong gawin sa Espanya! Bakit kailangan mo pang bumalik sa lugar na 'to! This place is a hell, Felicia! Alam na alam mo dapat yan. " she hissed then I realized na hindi pala ako dapat nandito. Hindi dapat ako nakikinig sa pinag-uusapan nila.