S-XI

750 33 0
                                    

"Salamat na sinamahan mo ako rito." Icarus said while pushing a cart. Ngumiti naman si Dion at tinapik siya.

"Of course, saka nakakamiss rin na ka-bonding ka." They parted ways para maghanap ng mga kakailanganin para sa party mamaya. Birthday kasi ni Deann at sila ang naatasang mamili ng mga kakailanganin.

"Ito na ba lahat ng kailangan natin?" Tanong ni Dion sa kanya. He checked the list saka napakunot ng noo.

"Kulang pa ng mga alak."

Napakamot naman si Dion bago sumagot.

"Kulang yung perang binigay niya."

"Kuripot mo, parang hindi mayaman." Napailing naman ito saka pumunta na sa alcohol section. Siya naman ay nagpunta sa snack section para magdagdag ng candies para sa mga anak ng kaibigan niya.

"I can't reach it." A small voice he heard. Then he saw a small little girl trying to reach for a marshmallow.

"Hi, do you need a help?" Tumango naman ang bata saka ngumuso. Icarus heart leaped as he saw the little girl's sweet smile. He patted her head then kinuha yung pagkain at inabot sa kanya.

"Thank you, Mister." Nakatitig lang naman si Icarus rito. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya habang nakatingin sa bata.

"Do you need anything?" He asked, umiling naman ito but he insists kaya inabutan niya ito ng chocolate bar.

"But my momma said that I'm not allowed to eat this." Napakamot naman siya sa batok saka inabutan na lang ito ng marshmallow ulit.

"Nasaan mommy mo?"

"I don't know, she's still busy buying some of our food."

"How about your dad?"

"He's still at work."

"Ihahatid na lang kita sa mommy mo baka mawala ka." Tumango naman yung bata kaya inalalayan niya ito at binuhat sa cart.

"Thank you, Mister." Ginulo naman niya yung buhok nito saka nag-ikot ikot na sila para hanapin yung mommy nito.

"Hoy kaninong anak yan?" Bulalas ni Dion noong makita sila.

"Teka anak mo? Kamukha mo e." Dagdag pa nito dahilan para magkatinginan sila ng bata.

"What's your name, little girl?"

"Mariake Ysabel Ligot." Sagot nito. Nanlaki naman yung mata ni Dion.

"Teka kaapelyido mo si Zo-" but he was interrupted by an announcement.

"Good evening, hinahanap ko lang ang anak ko. She's a girl with a Pony tail and wears yellow dress. If you see her please go to information area, Thank you."

"Momma." Sigaw ng bata.

Nagtinginan naman si Dion at Icarus.

"Hindi ba't si Madeleine yun?" Hindi naman nakasagot si Icarus dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya.

"How did you know my Momma's name?" Tanong ng bata sa kanila.

"She's our friend, I'm your tito Dion." Pakilala nito sa kanya. The little girl accepts Dion's hand. Siniko naman niya si Icarus na tulala.

"Okay ka lang?"

"Ihatid na natin siya."

...

"Mari!" Sigaw ni Maddie at mabilis na niyakap ang anak, ilang oras na siyang kinakabahan dahil hindi niya ito mahagilap.

"Mom, I'm fine. Mister Icarus helped me."
Natigilan naman siya. Pag-angat niya ay nakita niya ang dalawa niyang kaibigan na kapwa nagulat sa nasaksihan.

"Hi Boss Maddie! May anak ka na pala hindi mo man lang nabanggit!" Sigaw ni Dion. Tumango lang naman si Maddie.

"Anak mo?" Bulong ni Icarus. Tumango naman siya saka ipinakilala ang anak.

"Thank you, Icarus."

"Maddie, umuwi ka na sa unit please." Buntong hininga naman ang sinagot niya rito.

"I can't. Ikaw na muna bahala doon."

"Maddie, punta ka birthday ni Deann?"

"Hahabol na lang ako." Saka siya nag-paalam sa dalawa. Nakatulala lang naman si Icarus habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Anak namin." Bulong niya.

"Huh?"

"Hinahanap na tayo ni Deann, Tara na!" Hinabol naman siya ni Dion sa cashier.

XxxxX

D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon