OMM-XX (RESTRICTED)

5K 84 19
                                    

THERESE MARIE

" mommy, nandito na naman po si Mr. Karrot. " bulalas ni Thalia pagkasilip niya sa bintana, mga alas sais pa lang iyon ng umaga. Napakunot naman ang noo ko saka sinilip din ito, she was right, nakatayo na naman 'to sa labas ng pinto namin. Kung hindi ako nagkakamali ay noong alas tres ng umaga na naalimpungatan ako ay sinilip ko siya't nakatayo pa rin iyon doon. Mukhang naligo't nagpalit lang ito ng damit niya from Metro tapos bumalik na naman dito sa Batangas. Well, hindi naman iyon problema dahil may kaibigan siyang Piloto't may helicopter.

" ilang linggo na siya diyan, Mommy baka po maging estatwa na siya. " napailing naman ako at sinabihan ito na maghilamos na.

" Kairos, anu bang balak mo sa buhay? " asik ko sa kanya noong labasan ko siya. Tatlong linggo na niyang ginagawa ang kabaliwan na iyan, Nakabalik na si Ponggay sa states at lahat-lahat ay nakatayo pa rin siya sa labas ng bahay. Kulang na lang pagawan siya ng rebulto sa ginagawa niya.

" For you. " inabot niya sa akin ang boquet ng white roses at box of chocolates. Hindi ko dapat kukuhanin iyon pero sumingit iyong anak namin at siya ang kumukuha.

" Thalia, sinabi ko naman sayo na bawal ang sweets diba? " saway ko, napanguso naman 'to.

" Nii-ipon ko po, Mommy. Hindi ko naman ni-eat e, konti lang po. " saka siya humagikhik at pumasok sa loob.

" Kailan ka ba titigil, Kairos? "

" I will not stop doing this, Marguerette until pumayag ka na sumama kayo sa akin pabalik sa Metro. " pagak akong tumawa saka inirapan siya. I don't get it, he had a lot of time noon. I mean late niya lang ba narealize na ang gago niya sa mga ginawa nito noon?! Kailangang four years pa ang lumipas para matauhan siya?! Hindi rason iyong matagal na paghahanap because for crying out loud, ang lapit-lapit ng Batangas sa Metro at kitang-kita sa mapa ang lugar ng Tingloy!

" Alam mo Kairos, I wait for you noon pa, lalo na noong mga oras kinakailangan kita dahil ang hirap magbuntis pero anu? Wala ka, hindi ka nagpakita. Nakakagago naman na tumagal ng apat na taon ang paghahanap mo sa akin diba?! Nakakagago na ang tagal mong narealize na demonyo ka sa mga ginawa mo, dahil noon pa man demonyo ka na talaga! " napabuntong hininga naman siya, I'm expecting an explanation for him para magpaliwanag pero wala akong narinig.

I know Kairos a lot, from his bad side to good side at alam ko na sincere siya sa mga sinabi niya na magbabago at babawi siya sa amin, nakikita ko sa effort niya na magmukhang tanga dito sa harap ng bahay pero nakakatakot na sumugal dahil nawawala siya sa sarili niya kapag nagagalit siya. Hindi na niya nakikilala ang paligid nito. Ayokong isugal ang buhay naming mag-ina.

" you don't need to do this Kairos. Hindi na magbabago pa ang desisyon ko. Umuwi ka na, huwag mong sayangin ang oras mo dito. "

" you're always worth of waiting, Marguerette and hindi ako magsasawang suyuin ka, bumalik lang kayong dalawa sa akin. " napailing naman ako.

" We don't need you, Kairos." sambit ko sa kanya. " nabuhay ako, kami  ni Thalia sa apat na taon na wala ka, kaya please lang. Tigilan mo na. Maawa ka sa sarili mo. " umiling naman siya.

" you need me, Marguerette the way I need you. Ang mas importante, Thalia needs me, she need a father at alam kong sinabi mo sa kanya na dadating ako. Huwag mong paasahin ang anak natin, nandito na ako. " I gritted my teeth saka sinampal siya, I slapped him hard again hanggang sa mamula ang kamay ko. He's using our child para sundin ko siya? He's using my weakness para masunod ang gusto niya. Kairos is an indeed businessman, ginagamitan niya ako ng bagay na alam kong hindi ko matatanggihan.

D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon