HAO-XIV

2K 52 6
                                    

FELICIA MARIE

" May aaminin ka na ba sa akin, Felicia? " tinignan ko ng masama si Ate.




" Anung aaminin ko sayo? " tanong ko. Hindi talaga magandang ideya na tumuloy ako dito kay Ate. Well hindi naman talaga ako pinababalik ni Mommy sa Spain, gusto ko lang umalis dahil kapag nagpatuloy akong manatili doon ay mas lalo akong mapapasailalim ng mahika ni Ignatius, mas lalo akong mahuhulog at baka mangyari na nga ang kinatatakutan ko na pagkatalo--- ang mahulog sa kanya. Hindi pwedeng madevelop ang mga feelings ko lalo na't ikakasal na ako sa iba, He's special to me too kaya mas nakakatakot lalo dahil sa inamin niya sa akin. Ay mali pala! Bwisit pala ang taong iyon! Malaki pala siyang sinungaling at taktika niya lang ang lahat ng iyon! He's not special to me, Bwisit talaga siya!





" Hmm... Wala naman. Bukod sa ilang ulit kang nagpabalik balik doon sa dati mong bahay. " nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ng ate ko.





" How come na alam mo yun? "





" sinusundan kita. Alam ko rin na sinusundan mo si Ignatius at yung kasama niyang babae. " Namula naman ako sa mga sinabi niya! Hindi ko naman sinasadyang gawin iyon! Sakto lang nung pumunta ako ay paalis din silang dalawa so sinundan ko. Simple date lang naman dun sa girl na may kasamang kiss (gagu talaga siya!) but I know na hindi na iyon sosobra. Deann can't be arouse easily dahil sa condition niya. Ako lang ang babaeng may kakayahang gawin iyon. Kahit na isang daan pa ang kasama niya ay hindi siya magiging masaya dahil ako lang ang pwedeng magpaligaya sa kanya!





" ngiting tagumpay huh. " pang-aasar ni Ate. Inirapan ko naman siya.





" Wag mo nga akong pinasusundan, ate! "





" Umamin ka na lang kasi! Sa tingin ko kaya sinabi mo yung prize nung game niyo ay dahil talo ka na! Gumawa ka lang ng palusot! " namula naman ako, hindi naman kasi iyon ang tinutukoy ko doon.





" Totoo lahat ng sinabi ko na gusto ko lang itigil dahil alam kong masasaktan ko lang siya dahil ikakasal na ako! " I hissed. Humalakhak naman siya. Baliw na talaga itong ate ko!





" Bakit ayaw mo siyang masaktan Felicia? " I gritted my teeth.





" Galit na galit kasi si Ignatius kay Emil dahil natatabunan daw nito ang kagwapuhan niya, so kapag nalaman niyang ikakasal ako doon, magagalit siya and he might lose his control. Nakakatakot si Deann mawala sa sarili. " paliwanag ko dito and I don't even know why I'm explaining this sa kanya. Tsismosa talaga itong ate ko!





" baka naman kasi nagseselos si Deann sa inyo? " bumulalas naman ako ng tawa.





" It's impossible ate. Hindi alam ni Ignatius ang salitang love and ayaw niya nito. "





" He's a human Felicia and It's impossible na hindi niya yun maramdaman lalo na yung jealousy. Isa pa! Kapatid kita kaya Kaakit akit ka! Impossible na walang namumuo sa kanya bukod sa libog kapag nakikita ka! "





" Ate anu ba! " kung anu anu yung lumalabas na term sa bibig niya. Bwisit!





" He also said na special ka sa kanya, sa tingin ko totoo iyon halos mag-iisang taon na din ang laro niyo. Idagdag mo pa na nababaliw siya kapag wala ka sa tabi niya. NapakaPossesive niya sayo! Sign iyon na nanalo ka. Nagawa mong I-tame ang Deann Ignatius at may bonus pa iyon dahil mukhang Mahal ka na niya!" humalakhak ako.





" Nasa kandungan na nga ng ibang babae e. Malamang sa malamang mga mabulaklak niya lang na salita iyon na sinasabi sa mga nagiging babae niya and I swear na hindi ako mapapabilang sa koleksyon niya. Hindi siya inlove sa akin, mas lalo naman ako sa kanya! "





D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon