C-XVIII

2.4K 65 14
                                    

MARIA LINA ISABEL

" Wife, Good Morning! " nakangiting bati sa akin ni Dionysus, inalalayan niya akong bumaba sa kama hanggang sa kusina kung saan pinaghila niya ako ng upuan para makaupo sa hapagkainan. Seven months na si Baby sa tiyan ko, I gain weight at nahihirapan na rin akong tumayo't humiga dahil masyado ng malaki ang tiyan ko mabuti na lang at nagLeave si Dionysus para alagaan at bantayan ako.



" Thanks Hub! " saka ko siya hinalikan sa pisngi. Nasa harap ko ay yung paborito kong pinaglilihian. Salad na ang dressing ay ketchup.


Mas mahirap talaga nung unang mga months naglilihi ako dahil kung anu anung mga pagkain ang hinihingi ko, Minsan ay alas dos ng umaga ay ginigising ko siya para hanapan ng kung anu lang maisip ni Baby na kainin. I remembered na nagpunta pa siya ng Davao--- through Deann's plane para kumuha ng mangosteen kaso dahil sa sobrang tagal niya ay nabaling na yung cravings ko doon sa apple sa refrigerator. He came na pagod na pagod habang may isang basket ng mangosteen. Dala ng mood swings ay inaway ko siya't nagkulong sa kwarto, sinuyo naman niya ako pero inaaway ko siya dahil ang tagal tagal niya. Napawi lang yung tampo ko at pagod niya by making love. Oo na, Maharot na kaming dalawa!


Bumaling 'to sa tiyan ko kung saan itinapat niya yung tainga niya. Gawain niya yan kada umaga at hindi ko nagsasawang tignan siya na gawin iyon. Kitang kita ko ang mga kislap sa mga mata niya at masidhing kagustuhan na lumabas na si Baby, well a few months na lang naman.


" Good Morning Baby, Si Daddy Dionysus ito! " Nakangiti naman siya ng malawak dahil sumipa ang baby namin, everytime na kakausapin niya ito ay ganun ang nangyayari. Gustong gusto ng anak namin ang boses niya.


" Huwag mong papahirapan si Mommy ah. Mamaya aalamin natin kung boy ka o girl para ma-spoil ka na ni Daddy. " Pinalo ko naman siya. Hindi pa nga lumalabas ang anak namin ay kung anu anu ng sinasabi niya.


" What?! " kibit balikat na bulalas niya.


" I want to spoil our first baby. I guess hindi lang naman ako ang gagawa ng bagay na yun. " Napailing naman ako dahil tama siya. Mula sa barkada niya hanggang sa parents namin na excited ng bumili ng gamit nito. Mas excited pa ata sila sa amin. Dapat ay last month namin makukuha ang gender pero nagAdvice si Dra. na this month na lang dahil malikot si Baby at hindi nila ma-identify ang gender nito. Mamaya ay bibisita ulit kami sa OB-Gyne namin na si Dra. Hernandez para magpaCheck up at tanungin ito.


" Kamusta ang pakiramdam mo? " He asked then inabot sa akin yung vitamins ko. Hindi niya rin kinakalimutan na ipagtimpla ako ng gatas namin ni Baby.


" Ayos lang ako. " hinalikan naman niya ako sa tuktok ng ulo ko saka sumabay na sa pagkain.


" Sabay na tayong maligo. "


" Dionysus! " namumula kong sigaw, don't tell me ay gagawin pa namin yun, Hindi na nga ako makagalaw ng maayos!


" What?! I'll help you na sabunan yung lower part ng body mo. Hindi mo na maabot diba? " Nakangisi siya, Inismiran ko naman ito dahil alam ko ang balak niya.


" I'll just touch you, wala akong gagawin na iba. " paninigurado niya. Binatukan ko naman siya saka kami kumain.


" Doktora anu pong gender ng anak namin? " Excited na tanong ni Dionysus dito. Hinawakan ko naman ang kamay niya dahil nakikiliti ako sa pinahid na jelly at sa instrument na ginagamit sa tiyan ko. Idagdag mo pa na kinakabahan din ako sa gender ni Baby kahit anu naman e. She/He is a blessing sa buhay namin ni Dion kaya mamahalin namin siya ng buong buo at ibibigay namin lahat ng gusto't kailangan niya.


D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon