OMM-XI

2.4K 79 16
                                    

KIANN KAIROS

Naabutan ko siyang nakahiga na sa kama't mahimbing na natutulog, tabi kami dahil iisa lang ang kwarto ko sa unit na 'to.

Naglinis lang ako nang katawan saka tumabi na rin sa kanya. Tinitigan ko lang siya habang mahimbing na natutulog, Marami man ang nagbago sa amin ang kagandahang tinataglay niya ay nanatili. Iyon nga lang alam kong may lungkot na sa mga mata niya na dulot ko, I need to do the revenge para mafulfill ko ang aking pangako sa grave ni Papa. Gusto ko ring malaman ni Therese kung anu ang nawala sa kanya nung pinakawalan niya ako. Nagagalit pa rin ako sa ginagawa niyang pang-iiwan sa akin at kaya ayaw kong pakinggan ang mga paliwanag niya ay dahil baka magsisisi ako sa mga nagawa ko sa kanya, ayaw kong malaman ang totoo dahil baka ako ang mali at gago, it's a selfish decision pero mas gusto kong magbingi-bingihan at magbulag-bulagan. Mas gusto kong sundin ang galit sa puso ko kaysa sa pagmamahal na pilit na sumisilay doon.

" I promise that I will try to be calm and gentle, Marguerette. " bulong ko saka niyakap siya't isinubsob yung ulo ko sa leeg niya. Gustong gusto ko ang body scent niya, it's sweet and natural. Nung nakuntento na ako ay humiwalay na ako't tumalikod sa kanya, gusto ko man na yakapin pa siya nang sobrang higpit ay hindi ko magagawa, ayaw kong masanay dahil alam kong mawawala din siya sa buhay ko. People just come and go in my life at walang nananatili.

" So, you're trying to be a good man? " napakunot naman ang noo ko sa binungad niya sa akin ng umagang iyon. Sa tingin ko ay narinig niya ang mga sinasabi ko kagabi.

" Sort of, I need to treat you in a good way para hindi ka mai-stress. I guess iyon ay isa sa mga factor kung bakit walang mabuo. "

" Walang nabubuo dahil hindi iyon from love, just accept the fact Kairos. Hindi mo ako magagawang mabuntis dahil masama ka't demonyo. Ginagantihan ka na ng Diyos sa masasamang ginawa mo. "

" Hindi ba't inunahan mo ako? Idagdag mo pa iyang tatay mo! "

" Bakit ba galit na galit ka kay Daddy, hindi naman siya mamamatay tao. Magnanakaw siya sa sarili niyang kompanya pero hindi niya magagawang pumatay. " Asik niya sa akin, nagsisimula na akong masanay na palagi kaming nag-uusap nang pasigaw.

" You're a liar, Kairos! Isa kang manunulat na magaling gumawa ng kwento! " I gritted my teeth saka ko hinubad yung shirt ko.

" Nakikita mo ba 'to?! " asik ko sa kanya saka itinuro yung mahahabang pilas sa dibdib at likod ko.

" bunga iyan nang paglalatigo niya sa akin noon tapos itong maliliit, mga hampas ng kahoy at tubo ng mga tauhan niya. " ayaw ko na sanang balikan ang pangyayaring iyon dahil para akong hayup noong sinaktan nila, hindi ako naging tao sa ginawa nilang pananakit!

" Sinungaling! Hindi magagawa ni Daddy iyon, anung motibo niya?! "

" Ikaw! Binugbog niya ako't muntik nang ipapatay dahil nalaman niya ang relasyon natin, yung relasyon natin na kagaguhan lang naman. Putangina! Ito ang nakuha ko sa paglalaro mo, you earned a car while I earned this fcking scars all over my body and face. Hindi ito ang masakit noong panahon na yun, ang masakit ay yung babaeng mahal na mahal ko nakipaglaro lang sa akin. Mas nakakamatay iyon at sana nga tinuluyan na lang nila ako. " singhal ko saka iniyukom ang kamay ko, isa-isa kong pinahanap yung mga nambugbog sa akin-- yung iba namatay na dahil kinarma at yung iba nabubulok na sa kulungan dahil mga kriminal naman talaga.

" Noon pa lang nakakasakit na ang mahalin ang isang katulad mo Marguerette! " I gritted my teeth. Nakatitig lang naman siya sa akin.

" Wala akong pakialam kung hindi ka naniniwala. Itanung mo sa Tatay mong gago kung gusto mo. " asik ko sa kanya saka umakyat na sa kwarto. Nagligpit ako ng mga gamit ko na dadalhin mamaya sa Hospital, balak ko kasing bantayan si Icarus na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon